"Selene?" Tawag ng boses na ilang taong ding hindi narinig ni Selene at ng kanyang pamilya. Nakatingin silang lahat sa gawi kung saan ito nakahiga sa kama. Naluluhang tinignan ni Crater at Selene ang kanilang kapatid nasa kamay nito ang oxygen mask na tinanggal nito mula sa mukha. They were all glad. Nagising na din siya sa wakas. Walang pagsidlan ng tuwa ang kanilang kasiyahan. Halos gusto na nilang magtatalon sa tuwa agad na lumapit si Selene sa kapatid at niyap itong habang lumuluha. "Nagising ka na din sa wakas. Masaya ako Rose! Masayang-masaya ako at nagising ka na!" Selene exclaimed happily at mahigpit na yakap-yakap ang kapatid. Hindi naman alam ni Rose ang gagawin dahil wala siya maintindihan sa sitwasyon. Matagal din siyang yakap ng kapatid bago siya nito hiwalayan. Inipit ni

