Samantala, hindi alam ni Harvey kung papaano nangyari ang lahat. Napakabilis ngunit batid niyang nagawa niya iyon dahil may damdamin na siya kay Sabinah. Hindi sila darating sa ganoong tagpo kung hindi niya ito gusto. Nalamukos ang mukha saka tinungga ang basong may alak. "Oh anak! May problema ba?" Tinig buhat sa kaniyang likuran. Ang kaniyang ina. "Ah, wala naman mama," pagsisinungaling rito. Ngumiti ang ina. "Naku, ako pang paglilihiman mong bata ka. Bata ka pa lamang ay kilala na kita. I know there's something bothering you. Tell me?" Ani ng ina sabay akbay sa kaniya. "Mama talaga. Wala lang, tungkol lang sa amin ni Sabinah," aniya rito. Umupo sa tabi ang ina at nagsalin din ng wine sa isang glass.