Ngumiti lang ang asawa saka siya masuyong hinalikan nito. Hindi maiwasang mapangiti si Harvey nang mapasigaw si Sabinah. Agad na tinakpan ang labi dahil baka sabihin pa ng mga kasama na sinasaktan ito. Tuluyan siyang napatawa ng marinig ang paghingi nito ng sorry. "It's okay babe, just feel it." Ani Harvey na muling nagsimulang humalik. Halos batukan ni Sabinah ang sarili dahil sa nangyari. Maraming bagay siyang natutuklasan ngayong may asawa na siya. Isa na nga ay ang mga bagay na silang mag-asawa lamang ang nakagagawa. Hanggang sa unti-unti ay nagagawa niya ang bawat galaw ng asawa at sa ikalawang pagkakataon ay nakontrol na rin niya ang emosyon. Naging mas mainit pa lalo ang mga sumunod pang pangyayari sa kanila mg asawa. Tuluyang natapos ang gabi nila ng asawa na magkayakap hanggang