Walang nagawa si Sabinah kundi ang isantabi na muna ang problema nila. Magulo ang mga kaibigan ni Harvey at mas lalo pang nagulo nang sumama pa si Marian. Mukhang natipuhan pa ni Alfred ang kaibigan at ang balimbing namang kaibigan. Wala lang si mister tubero eh nakikipagharutan na sa Alfred na ito. "Ikaw talagang babae ka. Sige ka isusumbong kita kay mister tubero," bulong sa kaibigan. "Hala! Grabe ka naman beshy. Nakipagkilala at nakipag-usap lang sumbong agad. Bakit hindi mo na lang asikasuhin ang future husband mo kuno!" Anito sabay nguso. "For real na nga 'di ba?" Gagap niya. "Ay umasa ang ale. Oh siya real na kung real. Basta, sasabihin ko lang sa'yo. Sabihin mo na ang sekreto mo bago pa siya tuluyang magalit sa'yo." Buwelta naman ng kaibigan