"Ahhhh—ray!" 'Di mapigilang sigaw nang maramdaman ang pagsidhi ng sakit sa hinliliit ng paa niya. "Saan ang masakit?" Tanong ni Harvey na halatang takot na takot. "Ang paa ko, naapakan mo." Napatigil si Harvey nang marinig ang sinabi niya. "Ay sorry. Nasaktan ka ba?" Sunod-sunod na turan. "Aatungal ba ako kung hindi? Ang sakit kaya," aniya rito. Sa laki nitong six foot eh hindi ba masakit kung maapakan nito. "Oh, nasaan ang bakang kinakatay!" Ang bungad ni Marian nang mapagbuksan sila. "Grabe, baka agad beshy. 'Di ba pwedeng kambing muna." Aniya rito. "Kambing? Paano naging kambing iyon eh ang huni ng kambing eh ganito? Meeeeehhhh. Ganoon may arte pa nga eh." Anito saka inulit ang paggagaya sa tunog ng kambi