"MAUPO kayong dalawa, Pareng Joe, Pareng Leo." Inilahad ni Ginoong Phillip ang palad sa mga sofa. Tinawagan naman kasi niya ang mga ito. Gusto niya silang makausap. Laking pasasalamat nga lang niya dahil isinama ng asawa ang kanilang inaanak sa kabigang tinalikuran ang pagka-inspector dahil sa ngalan ng pag-ibig. "Kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko, Parekoy. Well, hindi naman kami others ni pareng Leo sa pamamahay ninyo," nakatawang saad ni Ginoong Joe na agad ding sinundan ng isa. "Sa lagay na ito ay mukhang magiging inspectors ulit tayo ah. Aba'y itinaon mo pang wala rito sina Mareng Princess Ann at ang mga apo natin," anito. Kaya naman ay napahinga siyang malalim. Dahil totoo namang mayroon silang pag-uusapan. Hindi nga lang niya masabi-sabi sa nga nakaraang araw lalo at ayaw di