"CONGRATULATIONS, mga anak. Aba'y tinutoo ninyo ang binitiwan n'yong salita noong bago kayo umapak sa kolehiyo. Natapos ninyo ang BACHELOR OF SCIENCE IN BUSINESS MANAGEMENT with that Excellence Award. I'm so proud of you, Phillip Carlo and Arnold Raven." Masayang pinaglipat-lipat ni Scarlette ang paningin sa mga anak na kambal. "Thanks, Mom. Pero nasaan po si Daddy? Aba'y kung kailan natapos ang graduation namim ay saka naman po siya nawala." Hindi rin maikubli ang kasiyahan sa mukha at tinig ni AR. "Nandiyan lang sa tabi-tabi, anak. Alam ko namang famous ang Daddy ninyo. I'm just kidding. Sinamahan ang pamangkin mo sa labas. Ang taong iyon ay ayaw daw sa maingay. Palaging nakatakip ang palad sa taenga," tugon ni Scarlette bago hinarap ang isa pang anak na si Carlo. "Anak, dapat ay mags