“Mommy, may pupuntahan ka ba this Sunday?” Napahinto ako sa paghalo ng ube champorado na niluluto ko, malakas ang ulan ngayon kaya nagluto ako dahil nag—request din ang princess naming si Kalinda. “Sunday? This week?” tanong ko sa kanya at muling hinalo ang aking ube champorado. Tinanguan niya ako. “Yes, mommy. This Sunday, may gagawin ka?” tanong niya muli sa akin. Nakita ko ang mukha niyang seryoso. Ano naman kaya ang binabalak ng isang ito? “Hmm... Wala naman, daddy Kaladin. Always naman akong nasa bahay kaya wala akong pupuntahan. Kapag umalis ako, hahabulin ako ng apat nating anak,” paalala ko sa kanya at tinuro ang mga anak naming nasa living room, nandoon naman si ate Grace na nagbabantay. Sumilay ang ngiti sa labi niya. “Yes!” malakas niyang sabi at gumalaw pa ang kanang k