KALADIN POV “Tinanong niya ako tungkol sa tracking device na nakalagay sa dress ni Kalinda. Mukhang tinapon nila iyon, pero hindi pa rin natin alam kung anong tracking device na nasa screen ang bagay na iyon... Hindi lang iyon, ganoʼn din ang tanong niya kay ate Grace at nakita siya ni ate Grace na tinatanggal ang tracking device na nasa damit niya.” Kumuyom ang aking magkabilang kamay nang marinig ang sinabi ni mommy. Hindi ko napigilan mapamura nang marinig ko iyon. Anong karapatan niya para kunin ang anak namin? Naging maayos ang trato namin sa kanya. “Mr. Blackwood, mamaya mo na isipin kung paano mo papatayin ang babaeng iyon. Ang isipin mo kung saan sa dalawang tracker na itong ang dapat puntahan. Isa ay ang anak mo at ang isa ay isang patibong lamang. You are lucky, na hindi n