“Madam Poppy, nasa room ninyo na po ang mga damit na nilabahan po namin. Hindi po namin tinupi katulad ng sinabi niyo. Talaga po bang ayaw niyong itupi namin? Baka mapagod po kayo?” Tinignan ko si ate Fe, ang taga—laba namin sa bahay. Siya, si ate Marce at ate Jen ang may trono sa paglalaba ng mga damit naming lahat at taga—tupi rin. “Ate Fe, lalo akong tatamarin gumalaw kapag wala po akong ginagawa. Exercise ko na rin po ito para lalong matadtad ang tiyan ko habang palapit ang aking kabuwanan, sa April ako manganganak, dalawang buwan na lamang po,” sabi ko sa kanya. April 17 mismong date ng panganganak ko. “Fe, hayaan mo na si madam Poppy. Sa susunod ay may baby clothes ka na muling lalabahan.” “Okay po, ate Vilma. Handa na rin naman po ako maglaba muli ng mga baby clothes.” “Thank