KALAHATING araw na ako sa Lazaro Hospital pero hindi pa rin nagigising si daddy Kaladin, si dad Kalarin naman ay pumunta na sa Japan para tumulong sa paghahanap sa parents ng Mora na iyon. Nagtatago sila roon ayon sa investigation na kinalap nila. Ang Tan naman ay nandito pa rin sa Pilipinas, dapat makulong sila at ang mga Fontana na iyon. “Sweetie, ayos ka lang ba? Gusto mo bang kumain muna habang nagbabantay?” Ngumiting tumango ako kay mom. Ayaw kong magutom lalo naʼt kailangan nila ako ngayon. “Heto na ang pagkain mo. Kumain ka nang marami, ha?” sabi pa niya sa akin. “Mom, si Kalinda po? Umo—okay na rin po ba siya?” Nasa kabilang room si Kalinda at binabantayan siya nina mom Andrea at mom, nandoon din si Kepler. Gusto naming isahang room na lamang pero baka makaramdam nang lungkot lal