DUMATING na ako sa house namin. Sinalubong ako ni ate Grace at kinuha niya ang bag ko. “Ayos lang po ba kayo?” tanong niya sa akin. Napalunok ako sa sinabi niya at umiling. “Ate Grace, hindi po ako okay. I mean, masakit po itong heart ko.” Tinuro ko itong puso ko. “Bakit po? Anong nangyari sa iyo? Gusto niyo bang dalhin namin kayo sa hospital?” Nakita ko ang pag—aalala sa mukha ni ate Grace. “Benjamin, iyong sasakyan ihanda! Dadalhin natin si Miss Poppy sa hospiral—” “No, ate Grace! I am okay! Hindi ko need pumuntang hospital. Okay lang po ako, iba po iyong sinasabi kong masakit ang dibdib ko,” bulong na sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. “Hindi po masakit ang dibdib niyo, Miss Poppy? EH, ano ping nangyayari sa iyo?” Nandoon pa rin ang pag—aalala niya sa akin. “Um, b—broken