PASADO alas-dose na ng gabi pero nasa laboratory pa rin si Alessandro. Ilang tawag na ng mommy niya ang hindi niya nasagot. Kapag ganoong marami siyang ginagawa, hindi talaga niya nahahawakan ang kanyang cellphone. Kung wala lang siyang kapatid na alagain pa, malamang sinugod na siya roon ng kanyang maaalalahaning ina. Ang daddy naman niya ay busy sa sarili nitong trabaho.
They both working in the laboratory but in different assignments and workplaces. May tatlong laboratory sa loob ng academy, maliban doon sa laboratory ng mansyon ng Tito Dario niya. Pero mas marami siyang trabaho kumpara sa tatay niya.
Next week nakatakda ang pagpunta nila sa Spain para makausap si Dr. Swarz na naroon sa Libertad Organization. Ang daddy niya ang nakipag-usap kay Howard, para mabigyan sila ng permiso na makausap ang matandang doktor na napag-alamang eksperto sa lahat ng uri ng virus at vaccine. His dad believes that Dr. Swarz has an idea about rabia-escota virus since Dr. Dreel was one of his students. Dr. Dreel creates the virus based on the old formula that ancient vampire scientists create.
Naniniwala siya na makukumbinsi niya ang doktor na makipagtulungan sa kanya para pag-aralan ang virus. Magmula noong lumitaw ang unang halimaw na affected ng naturang virus ay hindi na siya natahimik. Hindi siya tumigil sa pag-aaral tungkol sa virus.
Kahit hawak na nila ang formula ng virus, hindi ito sapat dahil nagbabago ang variant nito at sa bawat mutation nito with other ordinary virus ay mas nagiging matapang ito. So kung gagawa siya ng vaccine based sa original formula, hindi rin sigurado kung gaano kataas ang efficiency rate nito nito. Hihintayin niya huling possible variant ng virus at doon siya magsisimulang gagawa ng vaccine.
Nang makadama siya ng matinding pagkauhaw ay iniwan muna niya ang kanyang ginagawa. Nagtungo siya sa blood bank para uminom ng dugo. Pakiramdam kasi niya’y nanghihina na siya. Pagpasok niya sa loob ay napansin kaagad niya ang babaeng nakatayo sa harap ng malaking blood dispenser kung saan nilalagay ang na-process na dugo. May tubong nakakonekta sa malaking parisukat na salaming imbakan ng dugo patungo sa mga gripo kung saan sila nagre-refill upang inumin. They got the blood from humans who voluntarily donated their blood. Of course, they need to take care of their health to stay healthy for them.
Sa ganoong oras ay wala nang tumatambay dapat sa lugar na iyon. At hindi basta pinapapasok ang mga tao roon. Pero malayang nakapasok na walang kasama ang babaeng ito.
Nang biglang humarap sa kanya ang babae ay hindi ang mukha nito ang una niyang tiningnan, kundi ang suot nitong kuwintas na merong pendant na singsing. Pamilyar sa kanya ang singsing.
“Hi, Doc!” masiglang bati nito sa kanya.
Saka lamang niya tinitigan ang mukha nito. Ito ‘yong babaeng nakaharang sa pinto ng clinic kanina, at walang proper orientation na nag-assist sa kanya sa laboratory. Pinsan pala ito ni Farah. Hindi niya natandaan ang pangalan nito. Well, he doesn’t care about the woman inside the laboratory especially humans. He just doing his job and it’s enough to be contented. Masaya siya sa kanyang piniling trabaho kahit ang totoo ay hindi naman iyon ang first choice niya.
He wants to be a lawyer like his Tito Trivor. But his dad convinced him to study more courses related to science and doctoral. At the age of twenty-nine, he got a degree in pathology after taking pre-med courses, medicine, and also forensic science. After graduating from a normal university in London, he continued to study at the prestigious Vampire Academy in Romania. Aside from his knowledge had learned from university, his dad was hands-on guiding and teaches him some ideas and techniques that were not all taken from the university and academy.
Na-distract si Alessandro sa ngiti ng babae. Para bang may gusto itong ipahiwatig pero hindi na siya interesadong alamin.
“Why are you here? You’re not allowed here,” sabi niya rito.
“Uhm, isinama ako rito ni Syn. Pumasok siya sa pintong iyon,” sabi nito sabay turo sa pinto patungo sa kuwarto kung saan nagre-recharge ang mga bampira matapos makainom ng dugo.
Mga ataul ang laman ng kuwarto. Doon natutulog ang ibang bampira na katatapos uminom ng dugo upang magpalakas. Minsan lang niya iyong ginagawa dahil wala na siyang oras. Kung gagawin man niya iyon, doon siya sa bahay nila.
Gusto niyang iwasan ang babae pero inaakit siya ng suot nitong kuwintas. Hindi siya maka-get over dito. Hindi ordinaryong singsing na likha lang ng ordinaryong tao ang ginawa nitong pendant. Obvious ang pagiging antic nito. Hindi naman ito uri ng singsing ng mga imortal pero may nararamdaman siyang kakaiba sa hitsura nito.
Nang lumabas na si Syn mula sa kuwarto ay saka lamang niya na-dedma ang babae. Kumuha siya ng kopita saka sinalinan ng blood juice. Mahinang nag-uusap ang dalawang babae, pero kahit anong hina, naririnig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
“Gustuhin mo na lahat ng lalaki dito, huwag lang si Kuya Sandro,” sabi ni Syn.
“Bakit naman? Mukhang siya ang pinakamabait dito,” wika naman ng kasama nito.
Nasa dulo ng dila niya ang pangalan nito pero hindi niya mabigkas sa isip. Hindi na siya interesado roon. Ang kaso, siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Ayaw niya ng ganoon, na nai-involved siya sa paksa ng ibang nilalang na hindi naman kainteresante ang sinasabi.
“Hindi siya masayang kasama,” sabi pa ni Syn.
Narinig niya ang hagikgik ng babae. “So what? Malay natin, meron siyang itinatagong ugali na kapag natumbok mo ay walang kapantay na kaligayahan ang matatamo mo,” sabi nito pagkuwan.
Hinugasan ni Alessandro ang ginamit niyang baso sa may sink. Pagkatapos ay itinaob lang niya ito sa tray na naroon sa lababo. Lumabas na siya.
Kinabukasan ng gabi. Umuwi si Alessandro sa bahay nila para magpaalam sa mommy niya. Pagdating niya’y sobrang tahimik. Pasado alas-otso pa lamang ng gabi. Imposibleng tulog na ang mommy niya. Hindi niya alam kung naroon ang daddy niya. Minsan kasi ay nakatago ang aura nito kaya hindi niya masagap. Gawain iyon ng dad niya sa tuwing ayaw nito na naistorbo.
Pagpasok niya sa kuwarto ng kanyang mga magulang ay namataan niya ang kanyang ina na nakahiga sa kama. Puting-puti ang mukha nito at may hiniwang pipino na pabilog at maninipis sa mga mata.
“Sino ‘yan?” tanong nito nang maramdaman ang presensiya niya.
“Si Sandro ‘to,” sagot niya.
Hindi gumalaw ang mommy niya. “Aba, mabuti’t naisipan mo pang umuwi, anak,” sabi nito.
“Nasaan si Daddy?” tanong niya.
“Aba ewan ko! Huwag mong hanapin sa akin ang nawawalang halimaw! Kayo ang palaging magkasama, bakit sa akin ka magtatanong?” mataray na sabi nito. Hindi pa rin ito bumabangon.
Napakamot siya ng ulo. Kapag ganoon sumagot ang ina niya ay may sumpong ito. Malamang pinainit na naman ng daddy niya ang ulo nito.
“Wala siya sa Academy. Sino pala ang kasama n’yo rito?” aniya.
“E ‘di wala. Huwag mo nga akong istorbohin! Nagbe-beauty rest ako!” asik nito.
“Aalis ako. Matagal akong makakabalik,” paalam niya.
Bumalikwas nang upo ang kanyang ina. Nalaglag ang pipinong nakadikit sa mga mata nito. “Na naman? Saan ka naman pupunta, ha?” nanlalaki ang mga matang usisa nito. Nagmukha itong zombie sa hitsura nito.
“May aasikasuhin lang ako sa Spain,” tugon niya.
“Kita mo? Pakana ito ng daddy mo!” Pumalatak na ito.
Nairita na siya. Nilapitan niya ito saka siya humalik sa pisngi nito. “I need to go. Bye. I love you!” sabi niya saka tinalikuran ang ina.
“Hoy, Sandro! Hindi pa ako pumapayag!” sigaw nito.
Hindi siya huminto sa paglalakad. Kinuha lang niya ang ibang gamit niya saka nag-teleport pabalik sa Academy.
PALAGING umaalis si Farah kaya madalas tumatambay sa food center si Narian. Naroon kasi ang mga babaeng ka-level niya pagdating sa ugali at lifestyle. Mas napalapit siya kay Rebecca dahil halos magkasundo ang mga hilig nila. Mahilig din ito sa hot and gorgeous guy. Nasa loob sila ng counter at pinag-uusapan ang mga guwapong nilalang sa academy.
“Hindi ko pa nga nakikita iyang pinagmamalaki mong si Symon,” sabi niya kay Rebbeca.
“Basta, hot ‘yon,” sabi nito.
“Whatever! Sa ngayon, mas hot si Alessandro,” aniya.
“Pero… speaking of the devil, the devil is coming,” bigla’y sabi ni Rebecca.
Nakatingin sa gawi ng pintuan si Rebecca. Napalingon din siya. Biglang kumabog ang dibdib niya pagkakita kay Alessandro. May bitbit itong itim na maleta na medium size. Pumihit siya paharap para mas makapag-concentrate siya sa pagmasid sa guwapong doktor. Umupo sa pinakaunang lamesa si Alessandro. Meron itong binubutingting na maliit na bagay na parang cellphone.
Parang natuka na ng ahas si Narian. Wala siyang pakialam kung mahuli man siya ng lalaki na nakatingin dito.
“Napaka-attractive talaga niyang tingnan. Ang gandang lalaki. Para siyang anghel,” nagpapantasyang wika niya. Nakaukod pa ang kanang siko niya sa counter habang nakalumbaba.
“Anghel? Hey, don’t judge a person by its physical appearance,” kontra ni Rebecca. Hindi niya ito pinansin. “Yes, he looks like an angel, but you don’t have an idea what inside his heart. Alam mo ba kung bakit ni isang babae rito sa academy ay hindi nagnasang ibigin si Sandro?” sabi pa ni Rebecca.
Tiningnan niya nang mataman si Rebecca. Na-curious siya bigla. “Bakit?” tanong niya.
“Akala ko ba gusto mo ng challenge? Wala nang excitement kung sasabihin ko ang tungkol kay Sandro,” ani ni Rebecca.
Namilog ang mga mata niya. Gusto talaga niya na madiskubre nang kusa ang misteryosong pagkatao ni Alessandro. Pero naintrega siya sa sinabi ni Rebecca.
“Kaunting clue lang, Beca. Para hindi naman mukhang horror ang dating,” nakangiting sabi niya.
“Okay. Avoid staring at his eyes,” anito.
Tumikwas ang isang kilay niya. Ang mga mata nga ni Alessandro ang gustong-gusto niyang titigan. Ang gaganda kasi.
“Ano ba ang meron sa mga mata niya?” curious na tanong niya.
“Basta, iyon ang iwasan mo.”
May dumating na estudyante kaya tumahimik na silang dalawa. Nagbibigay na ng pagkain sa mga estudyante si Rebecca. Nang mapansin niya na wala na si Alessandro, lumabas na siya ng counter. Hindi na niya makita sa loob ng food center ang lalaki. Naisip niya, baka naroon na sa laboratory si Alessandro.
Habilin sa kanya ni Charie, na kapag nasa laboratory si Alessandro ay pumunta na rin siya roon para mag-abang ng utos nito. Pumasok siya sa laboratory one. Tahimik masyado, nakabibingi. Pero napansin niya ang maleta na dala kanina ni Alessandro. Nakapatong ito sa ibabaw ng stainless na lamesa.
“Hello!” usal niya.
Baka lumabas ulit ang lalaki. Dahil sa oras na iginugol niya sa pakikipagkuwentuhan kay Rebecca, nakalimutan na niyang umihi. Lalong namumutok ang pantog niya dahil naglakad siya nang malayu-layo. Nagtungo siya sa palikuran. Berde ang ilaw na nasa itaas ng pinto ng banyo kaya alam niyang walang tao dahil hindi naka-lock. Namumula lang iyon sa tuwing naka-lock at may tao sa loob. Nag-aapurang itinulak niya ang pinto.
“s**t!” bulalas ng lalaki.
“Ay, s**t!” sambit din niya. Isinara niya ulit ang pinto at tumalikod.
Parang may milyong boltahe ng kuryente na dumantay sa mga ugat niya habang ini-imagine ang kanyang nakita sa loob ng banyo. Hindi niya puwedeng ikaila na nakita niya ang hubad na katawan ni Alessandro. Naka-side view ito pero aywan niya bakit sa ibabang bahagi ng katawan nito natuon ang paningin niya. Her sinner's eyes caught Sandro’s huge weapon hanging between his thighs!
Lumayo siya sa banyo. Nagkunwari siya na busy habang nililigpit ang mga gamit nang aparatos. Narinig niya’ng bumukas ang pinto ng banyo. Dedma lang siya kahit naramdaman niya ang presensiya ni Alessandro. Inaasahan niya na magagalit ito, pero hindi. Ni hindi siya nito pinansin. May suot na itong puting pantalon at puting jacket na hapit sa katawan nito.
Dahil hindi niya maalis ang tingin sa lalaki, hindi niya napansin na asido ang laman ng measuring cup na tinakpan ng stainless na platito. Nanulas sa kamay niya ang cup ng asido at biglang humilagpos sa lamesa. Nabuhusan ng asido ang nakakalat na papel.
Nagulat siya nang biglang umusok sa harapan niya. Napaubo siya. Nagkandalaglagan ang mga bagay na nakapatong sa lmesa dahil sa pag-alog nito nang mahagip ng kamay niya. Bigla siyang umatras, ngunit may naapakan siyang madulas. Hindi niya naibalanse ang kanyang katawan at bigla na lang siya nasalo ng maskuladong mga bisig.
Dahil sa usok ng asido ay hindi niya maaninag ang mukha ng lalaking nakadukwang sa kanya. Tinakpan nito ng panyo ang ilong niya. Pero nang mawala ang usok ng asido ay nakita niya ang mukha ni Alessandro. Impit siyang napamura nang malamang sinalo siya ng maskuladong mga kamay nito. Unti-unti siya nitong itinayo. Pero nang makatayo siya ay lalong nagkalapit ang mga mukha nila.
Nakalimutan na niya ang sinabi ni Rebecca na iwasan niyang tumitig sa mga mata nito. Hindi iyon umobra dahil parang may gayumang taglay ang mga mata nito. Hindi niya magawang iwasan ang pagtitig sa magaganda nitong mga mata. Habang tumatagal na magkatitig ang kanilang mga mata ay unti-unti siyang nakakaramdam ng nakapapasong init sa kanyang dibdib.
Maya-maya ay bigla na lang tila may namuong apoy sa dibdib niya. Naitulak niya bigla si Alessandro. Tamang-tama pagtulak niya sa binata ay biglang napigtas ang suot niyang kuwintas. Ang singsing na nagsisilbing pendant nito ay nalaglag sa sahig. Nataranta siya. Dinampot niya ang singsing at isinuot sa kanyang palasingsingan para hindi mawala
“Uhm, p-pasensiya ka na, nagkalat na ako rito,” natatarantang sabi niya.
“It’s okay. Ako na ang bahala rito. Lumabas ka na,” kaswal na sabi nito.
“Sorry talaga. Sorry rin kanina sa banyo. Talagang ihing-ihi na ako,” aniya.
“You should go to the toilet.”
“Ay, wait.” Tumakbo siya sa loob ng banyo. Naroon na rin ang toilet.
Kamuntik na siyang mapaihi nang maghurementado ang puso niya habang kabig siya ng mga braso ni Alessandro. Kinikilig siya habang nakaluklok sa inidoro. Nang mahimasmasan ay inayos niya ang kanyang sarili sa harap ng malaking salamin. May toothbrush doon, shampoo, sabon, at shaver. Malamang mga gamit iyon ni Alessandro.
Hm, parang bahay na rin pala nito ang laboratory. Parang baliw na inamuy-amoy niya ang sabon nitong mabago.
“Hm, buti ka pa, nahagod na ang katawan ni Alessandro,” mapagnasang kausap niya sa sabon.
Nang mapansin ang basang puting brief ni Alessandro na naka-hanger ay hinawakan niya ito at piniga. “s**t! Ang sarap!”
Kumislot siya nang may kumatok sa pinto. Kaagad siyang lumabas. Nagtama ang mga mata nila ni Dr. Clynes, as in the senior Dr. Clynes na daddy ni Alessandro. Isang beses pa lang niya itong nakita at never pa niya nakausap nang personal. Nakapapanghina ang kaguwapuhan nito. Parang kapatid lang ito ni Alessandro.
“Are you done?” seryosong tanong nito.
“Uh… y-yes, Doc!” naiilang niyang sagot.
Umalis naman siya sa tapat ng pinto at pinagmasdan lang itong pumasok doon. Binalikan naman niya si Alessandro na naglilinis ng kalat niya.
“Ako na, Doc,” apela niya.
“No, it’s okay. You may go out,” sabi nito.
Hindi na siya umimik. Nagmamadali siyang lumabas.
Pagdating sa labas ng laboratory ay na-realize niya na tama si Rebecca. May something nga sa mga mata ni Alessandro. Pero sa halip na matakot, lalo siyang na-excite na mas makilala pa ang lalaki.