Reese Jayana “Tomboy” Abad Napapaisip ako habang naglalakad kung ano ang sorpresa ni Kendric. Marahil ay iniiba lang niya ang mood dahil sa nangyari ngayong gabi. Sa dami ba naman ng isiniwalat ni Scarlet ay siguradong mawiwindang. “Ang tanong ano ng mangyayari?” The fact na alam na ang totoong ugali at motibo niya. Dire-diretso ako pumasok sa bahay. Alam ko sa aking sarili na may kakaiba. “Bakit parang may kakaiba?” Usal na tanong ko sa akong sarili. “Just keep walking upstairs.” Utos ni Kendric habang tinutulak ang aking likuran. “Nagmamadali? Sandali naman! Baka madapa pa ako sa kakamadali mo!” Napangisi siya ng tinitigan ko siya patalikod. Kung minsan ay nagugulat ako dahil sa mga effort na ginagawa niya. Bawing-bawi na ang dalawang taon na sinayang niya. Minsan sumasagi sa aking

