Reese Jayana “Tomboy” Abad Nakahawak ako sa aking sentido habang tinitignan ang video na nakalap ni Crimson sa lugar ng pinangyarihan. Ilang sandali pa ay nakita ang paglabas ni Scarlet sa bahay. Palinga-linga sa paligid upang masigurado na walang makakakita sa kanya. Mapapansin din ang pagkabalisa habang naglalakad palabas ng gate. Kinausap pa niya ang guard bago tuluyang umalis ng bahay. Nakahood jacket kaya sa malayo ay hindi mo makikilala. Madilim ang mga daan na nilakaran niya at iwas sa mga ilaw ng poste na maaari niyang madaan. Ilang minuto ang nilakad niya bago huminto sa isang malaking puno, kung saan takip ang liwanag ng ilaw. May nakaparadong kotse roon sa ilalim na naghihintay. Bago pumasok sa kotse ay muli siyang lumingon sa paligid bago sumakay. Matagal namalagi sa loob ng

