Kendric Aziel Suazer Hindi ako makapaniwala na siya ang asawa ko. Ngayon, nakompirma ko na kung bakit siya pamilyar. Malinaw na sa aking isipan na siya ang kasama ko sa wedding picture na pinagawa ni lolo. “All this time, kilala niya ako pero wala siyang balak sabihin sa akin na siya ang asawa ko? For what reason?” Tanong ko sa aking isip. Kilala ako sa police station department na ito dahil kay Tyler. Noon kasi ay sumasama na kami sa mga shooting at iba pang training dahil sa panghihikayat ni Tyler na kinagigiliwan naman namin gawin. Sa tulong ni Tyler ay agad na pinauwi ng pulis ang dalawa, pero sinabihan ko na ikulong muna ang apat na lalaki na binugbog niya. Hindi ko nagustuhan ang balak gawin ng apat na iyon sa aking asawa at sa kaibigan na lasing at walang kaalam-alam. Pag-alis