Kendric Aziel Suazer Naningkit ang aking mga mata nang makita ang report galing kay Crimson. Tinapon ko iyon sa lamesa at hindi interesado sa impormasyon na aking nababasa. “Base sa ekspresyon ninyo ay hindi niyo nakuha ang gusto niyong sagot.” Usal niya. “Pinasuri ko na rin ang halos lahat ng product sa market at ilan sa mga gulay na binebenta ay positibo nga sa Strychnine. Sarado na rin ang market dahil sa matibay na report na nakalap namin.” “Tama ka! Hindi nga iyan ang inaasahan kong sagot. Malakas ang kutob ko na kagagawan ni Scarlet iyon. Sa tingin mo maniniwala ang asawa ko sa ganyang report?” Kaswal kong sagot. “Maaring tama kayo na may kagagawan nga ang inyong kapatid pero hindi lang siya ang nagplano ng lahat kundi pati ang inyong ama.” Tugon sa akin. Inabot ang isang USB. “I

