Reese Jayana “Tomboy” Abad May nawala man ay may isang buhay naman ang sisibol. Ang kalungkutan ay napalitan ng kasiyahan. Ang bawat isa ay gumaan ang pakiramdam. Kahit ako sa aking sarili ay hindi makapaniwala sa aking nalaman. Masaya? Oo! Pero sa kabila nito ay may takot akong naramdaman. Takot sa kung ano ang mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw. Takot sa kung paano magpaka-ina sa magiging anak namin dahil mismo ako ay walang kinalakihan na ina. Wala akong naramdaman at nakuhang pagmamahal sa mismong sarili kong ina. Isang ina na pinagkaitan ako ng pag-aaruga. Lumandas ang luha sa aking mga mata at mahinang napahikbi habang inaalala ang sinabi nang doktor sa akin, “Congratulation, Mrs. Suazer. You’re three weeks pregnant.” Tila nagdilang anghel si Kendric sa kanyang sinabi no

