Chapter 42 HIS lips curved into a seductive lazy smile when the door of the suite shut. Lumabas na si Leigh. Ibinagsak na lamang ni Clive ang katawan sa kama dahil alas singko pa lang ay kumahog siyang magpa-book ng flight para makasama sa Siargao. Isa lang naman ang dahilan ng ginawa niya, si Giovanni. Of course, ayaw niyang mahadlangan. Ayaw niyang magkaroon ng ibang option si Leigh dahil may tyansa na pumili iyon ng iba at madiskaril ang lahat. That's what his mind keeps on telling him, and he believes that of course. Iyon lang naman talaga at wala ng iba pa. Kung lumalabas man na mabait siya, bonus na lamang yun kay Leigh. Ayaw pa siyang papag-book-in sana dahil sold out na raw ang lahat ng tickets. Kung alam lamang niya, nag-private plane sana siya. Kaya lang ay hindi iyon ang punt