Chapter 21 ▪︎Leigh▪︎ Wala siyang sinagot, kanino man sa dalawang lalaki. Hinayaan niya ang mga iyon at nakatulugan na lamang niya ang pag-iisip kung sino ang sasagutin, hanggang sa wala na nga siyang nasagot. Nagtampo na malamang si Clive dahil hindi na siya tinawagan o ipinag-text man lang ng lalaki, mula nang nakaraang gabi. Baka nainis na yun dahil hindi niya pinansin. "Dito ko na sa labas hihintayin si Jillian, Ma," paalam ni Leigh sa ina niyang mag-aasikaso na rin para maglakad na naman. "Oo, sige anak. Gudlak!" She smiled. Lumabas siya ng pintuan at hinila rin iyon papasara. Naglakad siya papalapit sa kalsada pata makita na kaagad siya ni Jillian habang sakay yun ng taxi pero bigla na lamang may humarurot na motorsiklo at may initsa na kung ano. Agad siyang napatili, "Aaaaayyy