Chapter 47 NAKANGITI si Leigh na makita si Jillian, na inihatid ng family driver ng mga Hermosa sa kanilang bagong tinitirhan ng nanay niya. Nakatayo siya sa pintuan, nakasandal sa hamba at nagpapahangin, matapos na makipag-usap kay Clive. Happy na siya. Hindi na rin niya maunawaan ang sarili niya. Hindi na lang siguro simpleng paghanga ang nararamdaman niya para kay Clive. Mas malalim na ang damdamin niya para sa lalaking yun. Kanina ay wala siya sa sarili nang hindi iyon nagre-reply sa mga texts niya. Naiinis siya, naiiyak na hindi maintindihan habang naglalagay ng nga gamit sa aparador. Lahat ng damit na ibinigay sa kanya ay ipinadala ni Yaya Clarita. Bilin daw ni Clive na dalahin niya. Gusto niya tuloy isipin na baka binubuhay ni Clive si Zaira sa kanya. She was overthinking and so m