Alas-dos na ng madaling araw kami dumating sa bahay nina Marian. Grabe nakakapagod ang byahe kahit walang traffic. Ang sakit na ng pang-upo ko. "Bes, parang walang tao sa inyo." Napansin ko kasi na madilim ang buong bahay. "Nasa isla sina Mama at Papa. Birthday ng isang pinsan ko doon kaya bukas na sila makakauwi dito." "I see." "But don't worry guys kasi may pagkain naman sa loob, eh. Nagluto ng konti si Mama bago nagpunta sa isla." "So, what are we waiting for? Tara na at pumasok na tayo." Una kong hinila si Marian upang buksan na nito ang maindoor ng kanilang bahay. "Bes, doon kayo ni Ariel sa pink room. Kami naman ni Mickey sa yellow." "Shadi, narinig mo naman si Marian, common follow me." Kaya tinawag na pink room ang magiging silid namin dahil kulay pink ang pintuan nito at