Paglabas namin ng hotel, tumawag kaagad ng taxi si Ariel at sumakay kaming dalawa. "Manong, sa Villa Gonzalo ho tayo." Habang nasa loob kami ng taxi, ipinatong ni Ariel sa ibabaw ng aking hita ang kanyang kamay kaya dinilatan ko siya. Pero hindi natakot ang kumag at patuloy lang ito sa pananantsing sa akin. Hmmm, paano kung ako naman ang mananantsing sa kanya? Una ay inakbayan ko siya na parang wala lang, kumbaga, para-paraan din, pagkatapos ay ibinaba ko ang kamay papunta sa kanyang tagiliran. I'm fully aware that it was not a lady-like gesture but who cares? Tapos, ipinasok ko ang aking kamay sa loob ng kanyang t-shirt at saka ako humawak sa kanyang katawan. s**t! Macho! Para akong nahiya sa aking ginawa kaya inalis ko ang aking kamay ngunit biglang sumandal ang lalaki sa upan ng taxi