Paglabas ko ng banyo ay naroon pa rin si Ariel sa kinauupuan nito kanina at abala sa paglalaro ng Candy Crush. Fan din kasi ako ng candy crush dati pero ngayon ay nagsawa na ako. Kumbaga, tapos na ang kahibangan ko sa larong cc. "Wow, sariwang-sariwa! Pwede sa kilawin!" Sabi niya nang lumabas na ako at nakabalot pa rin ng towel ang aking basang buhok. Noong una ay hindi ko siya na-gets agad kung ano ang ibig niyang sabihin. Inihalintulad ba naman ako sa isda! Siguro ay kailangan ko ng palitan ang nasirang hairdryer sa loob ng banyo. Ayokong mabastos ulit dahil lang sa bagong ligo ako at basa pa ang buhok. "Kung babastusin mo lang ako ay mabuti pang umalis ka na lang," sabi ko sa kanya. "Joke lang naman, sorry na, please?" "Fine," sabi ko at umupo sa isang bakanteng silya malapit s