Kaming lahat ay hindi na muling nakatulog pa dahil sa lakas ng bagyo. Kaya ang ginawa ni Marian ay nagtimpla na lang ng sandamakmak na kape. Alam ko na malaki ang pinsalang dala ni Senyang, mabuti na lamang at matibay ang bahay nina Marian at hindi nasira. Bandang alas-singko ng umaga ay nagsilabasan na kami at nakiusyoso kung gaano nga ba kabangis si Senyang. Laking gulat ko ng itinuro ni Ariel ang isang malaking fishing boat na ngayon ay parang extension na ng dirty kitchen ng isang kapitbahay nina Marian. "Daebak!" sabi ko dahil sa laki ng fishing boat ay nakayanan itong paliparin ni Senyang papunta sa lupa. "Sa Sandoval kaya?" "Tara, puntahan natin!" excited na wika ni John. Nagpaalam kami kay Nay Tina at nagtungong Sandoval. Dyahe naman kung pati 'yon ay sinira ni Senyang, ang ga