Chapter Two

2125 Words
Pagkagising ko ng madaling araw ay magkatabi pa rin kami ni Angelo. Nakapatong ang kamay niya sa ilalim ng dibdib ko. Pareho kaming nakakumot na dalawa. Pinilit kong huwag maiyak ulit. Hindi lang kami sa kwarto ko gumawa nu’n. Dinala niya pa ako sa kwarto niya at ipinagpatuloy ang gusto niya. Ang akala ko ay matutulog na siya, pero nagkamali ako. Pinagsawaan niya ako…ang katawan ko. Dahan-dahan kong kinuha ang kamay niya na nakapatong sa akin at tumayo. Wala akong damit dito. Kinuha ko ang T-shirt niyang nakapatong sa silya at isinuot ito. Umabot ito hanggang sa kalahati ng hita ko. Bigla akong napahawak sa tiyan ko, para akong maduduwal. Pinigilan ko pa ito, pero lalabas na talaga kaya nagmamadali akong tumakbo papunta sa banyo niya at umupo malapit sa toilet bowl at sumuka nang sumuka. Napapikit ako. Parang pati mga bituka ko ay isusuka ko na. Ang sakit din ng ulo ko. "What are you doing there?" Napalingon ako sa nagsalita, si Angelo. Nakakunot ang noo niya. Wala pa siyang pang-itaas na damit. Nakaboxer lang siya. Nag-iwas kaagad ako nang tingin. "Playing virgin again? As if we didn't fuck for so many times" sabi niya na parang wala lang sa kanya ang lahat. Tumayo nalang ako,  pero nakaramdam ako nang hilo. Parang matutumba ako. "What the fuck? Careful, woman! You are carrying my child!" singhal niya sa akin. Nakahawak siya sa bewang ko kasi nga nahilo ako at muntik na akong matumba. Buti nalang at nar'yan siya para saluhin ako. "Pasensya na" sabi ko na may bahid ng takot ang tinig ko. Takot ako sa kanya. Tingin niya palang ay takot na ako. How much more kapag galit na siya sa akin?  "Just leave, and take care of my child!" sigaw niya sa akin, galit na galit na naman siya. Palagi naman, ‘eh. May bago pa ba? Nanginginig man ay maingat akong naglakad palabas ng kwarto niya. PAGKASARADO ko ng pintuan ng kwarto niya ay bumagsak kaagad ang luha sa mga mata ko. Nagmamadali akong pumasok sa maid’s quarter na tinutulugan ko. Oo, dito niya ako pinapatulog. Naligo ako at nagbihis na. Bumaba na kaagad ako para makapagluto ng umagahan namin, umagahan ko lang pala at ni Aling Minda. Hindi naman kasi siya kumakain dito. Palagi siyang umaalis kaagad. "Magandang umaga, hija. Kumusta ang tulog mo?" Ngumiti ako kay Aling Minda. "O-okay naman po ako. Nakatulog po ako ng m-maayos." Lumapit si Aling Minda sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Hindi. Alam kong hindi, pero nagtanong parin ako. Nakita kita kanina, lumabas kang umiiyak mula sa kwarto ni Angelo." Napayuko na lamang ako sa tinuran niya. Ang sinungaling ko. Meron kasing mga bagay na hindi dapat sabihin, na kung pwede sarilihin mo nalang, katulad ng nangyari kagabi sa amin.  "Magluluto na po akos. S-sige po" sabi ko sa kanya at tumalikod na. May nakasaing na, pero nagsinangag parin ako. Nilagyan ko 'yun ng itlog at bacon. Bigla kasi akong natakam, nilagay ko na ang sinangag sa plato. "Good morning, yaya" masiglang bati niya kay Aling Minda, sa akin lang naman kasi siya palaging galit. Nakita ko pang hinalikan niya si Aling Minda sa pisngi. Nilagay ko ang plato na may sinangag sa lamesa. Nakaayos na siya papuntang opisina. "You cooked this, yaya?" Tinuro niya ang sinangag. Umupo siya at parang excited siya. Kakain ba siya ngayon? Ngumiti si Aling Minda. Kumuha siya ng plato at sumubo ng sumubo. Napatigil ako. First time niyang kumain na narito ako. Ang gana niyang kumain. "Niluto 'yan ni Mikaela, anak." Napatigil siya sa pagsubo at napatitig bahagya sa sinangag. Bigla siyang tumayo at uminom ng tubig. "It tastes bad. Ang alat" malamig niyang sabi at tumalikod na. Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko at iniligpit ang plato na ginamit niya. Malapit na niya sanang maubos. Halatang ayaw niya talaga sa akin. Kung hindi lang dahil sa batang dinadala ko, wala sana ako dito. "Hindi ko nalang sana sinabi, ano? Ang gana niya pa sanang kumain" umiiling na sabi niya. "Okay lang po. Pangit naman talaga siguro ang lasa. Kain na po tayo. Tapos aalis narin ako." Ngumiti ako sa kanya at kumain na. Hindi ko nalang inisip ang sinabi ni Angelo kanina. Basta kakain na ako para makaalis na ako.   "UY, Mikay! Pahinga ka muna!" sabi ni Elaine na kasamahan ko rito. Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Kamusta ang pagiging buntis?" sabi niya sa akin at ipinatong ang kamay niya sa tiyan ko. Matalik kong kaibigan si Elaine. "Okay lang naman" sabi ko sa kanya at tipid na ngumiti. "Eh, 'yong tatay n'yan?" Inginuso niya ang tiyan ko. Alam niya ang totoo, alam niya ang lahat ng mga nagyayari sa buhay ko except sa pribadong nangyayari, like sex. Siya lang naman kasi ang nakakausap ko tungkol dito. Napabuntong hininga ako. "Ganoon pa rin naman, walang nagbago" sabi ko sa kanya. Nameywang siya sa harapan ko at tumaas ang kilay niya. "Kung wala lang talaga akong hiya sa katawan minura ko na 'yan! Palibhasa mayaman! Mga walang puso! Mga walanghiya!" nanggagalaiti niyang litanya. Pinaupo ko siya sa tabi ko. "Okay lang ako, ano ba? Tumigil ka nga d'yan! Malakas kaya ako!" Tumawa ako ng mahina para naman kumalma siya, niyakap niya ako patagilid. "Ikaw talaga! Basta nandito lang ako para sa iyo, huh? 'Wag kang mahihiya na lumapit sa akin kapag may kailangan ka, mahal na mahal kaya kita!" sabi niya sa akin. Tumango ako sa kanya at yumakap pabalik sa kanya. "Mahal na mahal din kita, kaibigan!" Humalakhak kaming dalawa ng mahina nang marinig niyang tinawag ko siyang kaibigan.   MAG-AALAS dos na nang hapon at medyo marami pa ang customer. Pumunta muna ako sa banyo para umihi. Pagkatapos ko ay lumabas na ako at naghugas ng kamay ko. Tahimik lang akong naglalakad pabalik para makapagserve na ulit ng may mabunggo akong babae. Nanlaki ang mga mata ko nang napaupo ito sa sahig. Dali-dali akong lumuhod para tulungan siya. "Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo, huh?" galit niyang sabi sa akin.  "Sorry po! Sorry po, hindi ko po sinasadya" hingi ko ng paumanhin. Inaabot ko ang kamay niya para tulungan siyang tumayo, pero hinila niya ako kaya napaupo ako. Napapikit ako ng mga mata ko, ang bilis ng pangyayari. "Sophia!" sabi ng lalaki na kilalang kilala ko ang boses. "That waitress bumped into me!" Nagtaas ako ng tingin at gulat na gulat si Angelo ng makita ako. "What did you do?" mahinahon na tanong ni Angelo sa babae. Nakita niya naman siguro ang nangyari, 'di ba? Napahawak ako sa tiyan ko. Ang baby ko, baka anong mangyari sa baby ko. Dahan-dahan akong tumayo. "Pasensya na po, h-hindi ko po sinasadya" nakayuko kong sabi sa babae. Nangilid ang mga luha sa mga mata ko. "Mikaela, why are you here? Wait, anong nangyari sa ‘yo?" tanong ng manager namin na si Sir Seth.  Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Napahawak naman ako kaagad sa kanya. Alam niyang buntis ako at alam kong nag-aalala siya para sa kalagayan ko, pero bakit si Angelo parang inaalala niya pa ang babaeng kasama niya? "Wala po, nahihilo p-po ako" sabi ko at kumapit ng mahigpit sa braso ni Sir Seth. "Ang galing mo namang umarte!” sigaw ni Sophia. "Look, miss-whoever-you-are, sorry kung may nagawa siya sayo, I need to bring her to the clinic. Buntis siya, excuse us!” sabi ni Sir.  Natigilan ang babae at parang namutla ito. "H-hindi ko alam,” mahinang sambit niya. Para itong naging mabait bigla. Nakita kong nag-igting ang mga panga ni Angelo nang buhatin ako ni Sir Seth. Hindi na ako nakapagsalita pa kasi nahihilo na talaga ako at ang sakit talaga ng tiyan ko.   NAGISING na lamang ako na nakahiga sa malambot na kama, puro puti ang nakikita ko. Nasaan kaya ako? Pinagmasdan ko ang paligid at napagtanto ko na nasa clinic pala kami nang restaurant na pinagtatrabahuhan ko. "Mabuti naman at gising ka na.  Okay ka na ba?" Lumingon ako sa gilid ko at nakita kong nakatayo doon si Elaine na agad namang lumapit sa akin. "Kamusta ang baby ko?” kinakabahan kong tanong sa kanya. Ngumiti ito sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag. Thank you, Lord. "Mabuti nalang at hindi malala ang pagkabagsak mo sa sahig kanina. Malakas ang kapit ng bata. Wala na ang OB na tumingin sa 'yo, nag-alala kaming lahat sa 'yo, kaibigan" sabi niya sa akin. "P-pasensya na" sabi ko. Niyakap niya ako nang patagilid. "Ano ka ba! Wala 'yon, ingat nalang, okay?" Tumango ako sa kanya. "Kasintahan pala ng ama ng anak mo ang nakabunggo mo kanina.  Walanghiya rin 'yon, ano? May anak na siya sa loob ng tiyan mo tapos may pa-girlfriend-girlfriend pa! Tapos hindi ka man lang binantayan dito! Kung hindi lang talaga ako nahihiya kay Sir Seth kanina sinuntok ko na 'yon eh!" Mapait akong ngumiti sa kaibigan ko. Kaya naman pala. Kaya pala ganoon nalang ang pag-aalala niya sa babae kanina, siguro mahal na mahal niya 'yon. Iba kasi ang kislap ng mga mata niya kanina habang nakatingin sa babae na si Sophia. Puno iyon ang pag-aalala nang makita niya ang babae na nakaupo sa sahig, pero sa akin na dinadala ang anak niya ay hindi man lang nag-alala na baka makunan ako sa ginawa ng kasintahan niya. "Hayaan mo na" sabi ko sa kaibigan ko at malungkot na ngumiti sa kanya. Hindi na ito nagsalita pa, pero malungkot lang siyang nakatingin sa akin.   ALAS KWATRO nang hapon ay nagpasya akong umuwi na. Nakapagpasalamat na rin ako kay sir Seth. Mabuti nalang at naroon siya nang mga oras na 'yon, kasi kung wala siya baka kung ano na ang nangyari sa akin doon. Pagkapasok ko sa pintuan ay nagtungo kaagad ako sa kusina para alamin kung naroon si Manang Minda, pero wala ito roon. Lumabas na ako nang kusina ng makita ko si Angelo, ang talim ng pagkakatitig niya sa akin. Nakaramdam ako nang takot. "Ngayon ka lang dumating?" tanong niya sa akin, nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ako makasagot kasi natatakot ako sa kanya. "You bitch! I thought that you are studying! Liar! Nagtatrabaho ka pa roon? Anong pinapalabas mo?" Nagtatagis ang bagang niya, nag-umpisa ng mangilid ang luha ko sa aking mga mata.  "H-hindi naman sa g-ganoon, gusto k-ko lang n-naman na magtrabaho k-kasi nakakahiya n-naman sa inyo n-na----." Napapikit nalang ako nang mariin niyang hinawakan ang kaliwang braso ko. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Galit na galit siya sa akin. "M-masakit, b-bitawan mo ako. Pasensya na" umiiyak kong sabi. "Bitawan? Masakit? Kung may masamang nangyari sa anak ko kanina? Sa palagay mo hindi ako masasaktan?" Napahikbi ako. "Hindi ko naman kasalanan kanina, 'y-yong babae naman ang humila sa a-akin kaya 'yon nangyari-----." Napapikit ako nang lumipad sa ere ang kamay niya. Sasampalin niya ako! "Angelo!" sigaw ni Manang Minda, lumapit siya sa akin at niyakap ako. Napahagulgol ako nang iyak at niyakap ko si Manang Minda. "Ano bang nangyayari sa ‘yo? Buntis si Mikaela!" Ngayon ko lang siyang nakitang ganito kagalit sa akin. Takot na takot ako. "At sinisisi mo pa si Sophia sa katangahan mo!?" malakas na sigaw niya sa akin at hindi pinansin si Aling Minda. Mas napaiyak ako nang sobra, siguro mas importante pa 'yong Sophia kesa sa anak niya na dinadala ko. Siguro kaya galit na galit siya sa akin kasi may magiging anak siya at hindi iyon galing  sa babaeng mahal niya. "Mas importante pa ang kasintahan mo sa sarili mong dugo? Sa sarili mong anak?" puno ng hinanakit ang tinig ni Manang Minda. "I don't even know if that's really my child---." Malakas na dumapo ang palad ni Manang Minda sa pisngi niya, Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi kita pinalaking ganito! Hindi na kita kilala!" sabi Manang Minda. Parang natauhan si Angelo sa sinabi ni Manang. "Yaya," tawag niya rito, pero umiling si Manang saka niya ako marahang hinila papunta sa kwarto na tinutuluyan ko. "Okay ka lang?” pagtatanong ni Manang Minda sa akin. Tumango na lang ako kay Manang at humiga sa kama ko. Pagod na pagod yata ako ngayon at gusto ko nalang matulog. "Hindi ko alam ang nangyari kanina, pero naniniwala ako sa iyo na wala kang ginawang masama." Napatingin ako kay Manang, nakangiti ito sa akin ng malungkot. Bakas sa mga mata niya na nasasaktan din siya. "Hindi ko naman po talaga sinasadya” mahina at humihikbi kong sabi. Hinaplos niya ang buhok ko. "Sshh. Alam ko. Tahan na, makakasama 'yan sa bata. Dito ka nalang, dadalhan nalang kita nang hapunan mamaya. Ano bang gusto mo, anak?" Ang bait-bait niya sa akin, siya lang ang nag-aalala sa akin sa bahay na ito. Si Angelo, sana kahit man lang sa bata mag-alala siya, kahit hindi nalang sa akin. "Kahit ano nalang po, pero may saging po ba? G-gusto ko sanang kumain nu’n at ‘saka gatas po, k-kung pwede?" Alanganin kong salita, nahihiya kasi ako kay Manang. Ngumiti ito sa akin at tumayo na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD