~oOo~ Kinaumagahan ay mugtong-mugto ang mga mata ko, nangingitim din ang ilalim nito. Para akong zombie. Pagod na pagod din ang buong katawan ko at masakit ang ulo ko. Hindi ako bumaba para kumain. Hindi ko alam kung alam ba ni Manang Minda ang nangyari kagabe sa pagitan namin ni Nathalie. "Anak? Bakit hindi ka pa bumaba?" Pumasok si Manang Minda, may dala-dala siyang tray na may lamang pagkain. Bumangon ako at sumandal sa maliit na headboard ng kama ko. "Sinabi sa akin ni Angelo ang nangyari, nagkasagutan daw kayo ni Nathalie?" Tumango ako kay Manang. Hindi na rin ako nagsalita pa. Alam na rin naman niya at wala pa ako sa mood para magsalita. Gusto ko lang na tumahimik ako. Kahit isang araw lang, kahit ngayon lang. "Pinadala ni Angelo rito ang pagkain mo." Nag-iwas ako nang tingin