~oOo~ Isang linggo na simula ng matapos ang anibersaryo ng orphanage, pero magpahanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin maka limutan ang mga nangyari noong araw na iyon. Hinding-hindi ko makalimutan ang ngiti ng anak ko, ang boses niya, kung gaano siya kabango...ang anak ko. Napangiti ako. Sana makapunta siya ulit dito kahit sandali lang. Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya noong umuwi na sila kase hindi na ako lumabas ng orphanage, baka kase magkagulo lang. Images of my daughter starts flashing on my mind, I closed my eyes. I want to imagine na parang nandito lang ulit siya sa tabi ko. Nakaupo, nagsasalita o 'di kaya'y nakayakap sa akin. Napakaganda niya, para siyang anghel. Hanggang sa pagtanda ko hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha. Napakunot ang noo ko nang nakita ko ang mukha