Matapos nilang mag almusal ay minabuti ni Marilag na siya nang maghugas ng mga basong ginamit nila. Ayaw pa nga sana ng kanyang Lola Nena na siya ang maghuhugas dahil ang kanyang Kuya Zandro na lamang daw ang gagawa niyon. Pero pinilit niya ito dahil siya naman ang babae at dapat gawain niya iyon dahil marunong naman siyang maghuhugas katulad doon sa kuweba. Kaya lang lumapit sa kanya si Kuya Zandro at tinuruan siya nito kung papaano ang tamang paghuhugas dahil nga naman hindi niya alam ang tamang paghuhugas ng plato. Lalo na kung may sabon na gagamitin dahil doon sa kanila sa sapa simpleng ilulubog lang niya sa tubig tapos okay na, pero sa patag pala hindi ganoon kasi may sabon. Tinuruan siya ni Kuya Zandro, lumapit ito sa kanya, ang ginawa nito kinuha nito ang isang tasa tapos kinuh