Naalimpungatan si Marilag ng maramdaman niya ang bahagyang pagtapik sa kanyang balikat, ang Lola Nena pala niya iyon ginigising siya. "Apo gising na, may regla ka pala hindi mo sinasabi. Tingnan mo iyang damit mo ay bahid na ng dugo. Dapat nagsabi ka kagabi ng nagawan kita ng pasador kasi hindi na rin naman tayo makakabili ng napkin kagabi dahil gabi na at malayo dito ang tindahan." narinig niyang wika ng kanyang Lola Nena. Pupungas-pungas naman siyang bumangon, napansin niya na maliwanag na sa labas ng bahay umaga na pala medyo tinanghali siya ng gising. Mabuti na lang at hindi nagalit ang matanda sa kanya talagang napakabait pala nito. "Hello po lola, sorry po tinanghali po ako ng gising. Ano po 'yung sinasabi ninyo?" tanong niya sa matanda habang inaayos niya ang kanyang buhok dahi