Candy's POV "Candy, san ka pupunta?" palabas na ako ng bahay ng marinig ang boses ni Mom. Napahinto ako at hinarap ito. Napagdesisyunan ko kasi na ako na lang ang pupunta sa bahay ng lalaking matigas ang ulo at ayaw pumirma sa annulment na hinihingi ko. No choice ako kundi ang pumunta para matapos na ang lahat. "Saan ka pupunta, Candy?" pag-uulit ni Mommy. Kailangan kong magsinungaling. "Magkikita kami ngayon ni Shawn, Mom." "Ganoon ba. Mukhang may date kayong dalawa." nakangiting komento ni Mommy pagkatapos niyang suyurin ang kabuuan ko. "O siya sige na, lumakad ka na." Naniwala naman ito. Kapag sinabi ko ang totoo baka hindi niya ako hahayaan na pumunta sa bahay ni Kyle. Kapag hindi ko ginawa 'to, habang buhay na akong matatali sa pangalan ng lalaking manloloko na iyon. Tinawagan

