Candy's POV BUMAGSAK ANG MGA balikat ko ng hindi makasagot si Kyle. Tahimik lang ito at alam kong malalim ang iniisip. "Kyle..." nanghihina na sambit ko. Hindi siya masaya sa balita ko sa kaniya. Habang ako sobrang saya ko dahil magkaka-baby na kami. Yung good news para sakin, bad news pala 'yon para sa kaniya. Itong baby, wala lang sa kaniya. Hindi ko man lang siya nakitaan ng saya. Or maybe, dahil sa problema niya kaya nagkakaganito siya. Dapat siguro intindihin ko na lang muna siya. Medyo magulo pa ang isip ni Kyle dahil sa malaking pera na nawala sa kanila. But, it's just a money. They have a lot of money. This baby, it's bleesing but it doesn't matter to him. "Ahm... alam kong magulo pa ang isip mo ngayon kaya iintindihin kita. Pero sana bukas, makita ko man lang sa' yo ang saya

