RITHWELL PRYCE ARANDIA __ Mabilis nagbago ang mood ko. Nagdidiwang naman ang puso ko sa sobrang saya. Hindi na nawala ang mawalak na ngiti sa mga labi ko. Hinipan ko ang kandila sa cake at muling nagsigawan at nagtatalon ang mga ito sa saya. "Congrats..." Bumaling ako kay Klaire and smiled at her. "Thank you. You helped me so much. I knew those good luck kisses would be my lucky charm." "Uy, may good luck kiss pala noon. Nasaan na ang congratulation kiss ngayon?" panunukso ni Lance. Ayoko namang maging sentro ng tuksusan ng mga ito. Klaire would be so much uncomfortable about that. "Bumili tayo ng pagkain. My treat," pag-iiba ko sa usapan. "Ay, hindi na! Ang dami nating pagkain, oh. Pinabili ni Ms. Klaire lahat 'yan!" Napatingin ako sa mesang pinagtabi-tabi nila. Napaka-rami nga