Chapter Forty One ALYSSA HINDI ko na alintana pa ang mga nakatingin sa aming mga nurse at mga taong napapadaan dahil para bang hinehele ako ng mainit niyang yakap. "Tara na, pinagtsitsismisan na tayo oh," natatawang saad ko. "Wala akong pakialam sa kanila, ang mahalaga ay ikaw at ako, tayo lang mahal ko," "Enebe mehel, kenekeleg eke," pabebeng saad ko. Gusto kong mangisay sa kilig ngunit nakakahiya naman kung marami ang makakakita. "Tara na nga," aniya at sabay kaming lumabas ng ospital. Nagulat ako nang makita ang benda sa kanyang kamay. "Mahal… may sugat ka pala," nag-aalalang saad ko. "Malayo naman sa bituka mahal," "Hmmp, kahit na! Edi mahapdi yan," Ngumisi siya saka bumulong, "Sigurado akong mas mahapdi ang gagawin ko sa sa'yo mamaya." "Nako, nako, mister Marcus de Jesus,