Chapter Thirty Eight ALYSSA TUMAKBO ako papalayo mula sa lalaking nagparamdam sa akin ng sakit. Dahil habang lumalapit ako sa kanya, lalo akong nasasaktan. "Mahal kita, iyon lang ang alam ko at kaya kong ibigay sa'yo, Alyssa," "K-kung gano'n, titigilan ko na kayo. Best wishes," nabasag ang boses ko. Hindi pala sapat ang pagmamahal to make someone stay... To make someone choose you. Ngayon ay pinapalaya ko na siya. Sana ay palayain na rin ang puso kong bihag pa niya. LUMIPAS ang limang araw, hindi na ako nagtangkang lapitan pa si Arc at Janice. I'm in the process of accepting things already. Sa gano'ng paraan, siguro ay mabilis ko siyang makakalimutan. "Anak! Bumangon ka nga riyan! Dalian mo!" Pambubulabog sa akin ni mama mula sa labas ng kwarto ko. Ngunit hindi ako nagsalita sak