Chapter Thirty Four ARC "JANICE, magpahinga ka na muna. Hindi ba't sinabi kong hindi mo na kailangang gawin yan?" kako saka inagaw sa kanya ang walis. "Ano ka ba Arc, sanay ako sa trabaho. Hindi ba't ako rin naman ang naglilinis noon dito?" nakangiting aniya. Napangiti na rin ako, "Oo nga, pero-" "Kaya pumasok ka na't mag-almusal dahil may duty ka pa," paalala niya. "Diyan ka nagkakamali, off-duty ko ngayon," natatawang saad ko saka siya hinila para sana sabay na kaming mag-almusal. Normal na ang ganitong eksena namin ni Janice sa mga nagdaang araw. Makulit siya at napapangiti niya ako sa tuwing nalulunod ako sa kakaisip kay Aly. Kaya naman madalas niyang makuha ang atensiyon ko dahil alam na alam niya kung paano ako pangitiin. "Teka, hindi pa tapos yung winawalis ko," "Mamaya