Nasa ganoong ayos sila ng biglang bumukas ang main door at gumahagos na pumasok ang ama ni Direck kasunod ang tila kumusyon sa labas. Mabilis na tumalima si Haidee ay kinuha ang pistol binti ngunit ganoon na lamang ang gitla niya ng mapagsino ang mga kalabang nakikipagbuno sa security ni Direck sa may gate. "Angelic! Alexis! Winona! Sundee!" Isa-isang sigaw sa pangalan ng mga kasamahan. "Ano ang ibig sabihin nito?" Naguguluhang turan sa mga ito. Bakit hindi niya alam ang lakad ng mga ito. Umayos ang apat na noon ay napusasan ang ilang security na naroroon. "Sorry Haidee. Napag-utusan lang," turan ni Winona na palapit. "Hindi na pinaalam sa'yo dahil alam naming nahuhulog na ang loob mo sa kaniya," dagdag pa nito habang hawak ang isang posas na gagamitin kay Direck. Agad siyang umagap