Mabilis ang mga paang tinalunton ang parteng pinag-iwanan ng kanyang sasakyan at lumulan doon. Sinundan ang lalaki hanggang sa humantong siya sa isang malaking bahay. Napakunot-noo siya kung bakit ito nakatingin sa malaking bahay hanggang sa makitang lumabas sa veranda nito ang isang babae. "Siya? Siya ang babae?" singhap niya nang magawi ang mukha nito. Hindi niya malaman kung ano ang iisipin sa sandaling iyon. Hindi rin malaman kung selos ba ang nagtutulak sa kanya upang mainis sa babaeng tinitignan ni Direck. Maya-maya ay muling umilaw ang kanyang ear piece. "Hello?!" mabilis na wika sa kung sinumang nasa kabilang linya. "Hello," baritonong tinig at alam na niya kung sino ito. "So, kumusta ang misyon mo?" tanong nito. "Okay lang boss. Pagod," tawang pahabol dito. Ang seryosong kau