Naging masaya at magana ang hapunan nilang iyon. Kahit papaano ay maayos na tinanggap ng mga ito ang panliligaw ni Zeus sa kaniya. Makailang banta pa ang ginawa ng ina na huwag siya nitong lolokohin kung ayaw siya nitong maputol ang hinaharap nito. Nang matapos sila ay mabilis silang nagligpit ng ina dahil maaga silang magpapahinga. Gaya ng dati ay sa kaniyang silid natulog si Zeus habang siya naman ay kasama ng ina sa silid nila ng ama habang ang ama ay sa sana na muna. Dalawa lang kasi ang silid ng munti nilang dampa. Pagkapasok sa silid ay makitang abala ang ama sa pag-aayos ng gamit nito. Kita pa niyang tiutupi nito ang brief nitong pinadala pa mula Amerika. "Aba! Mukhang ingat na ingat ka diyan, Itay ah?" nakangiting tanong dito. Habang maayos nitong tinutupi ang mga iyon. "Ah! Oo