Flashback "Just walk casually and let me handle all of them. Smile if you have to but never answer their questions. You get me?" Wala na akong nagawa kundi tumango sa bulong ni Cholo. Paano pa kasi ako makakapalag kung hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi dahil hinila na niya ako palabas sa sasakyan papunta sa napakalaking gate ng isang napakagarang mansiyon kung saan ay maraming mga nasa media na ang nasa labas at naghihintay sa amin. Ang unang plano ay isang pagtitipon na naman ng mag-anak na Gastrell pero imbes na sa mansiyon ay sa labas na. Kailangang makita kami ng mga binayarang mga journalists ng ina ni Cholo para mailathala ang mga litrato kinabukasan para matapos na rin ang mga haka-haka. Papaunlakan din namin ang isang ambush interview para ipahayag sa lahat na k