"Oh hi again nameless girl. We met again!" Malawak na ngiti ang ibinigay ko sa secretary ni Cholo na namumutla ang mukha habang nakatingin sa akin mula sa upuan nito. Inayos ko muna ang pagkakalugay ng buhok bago nilapitan ang babae na ngayon ay nagkukumahog na sa pagtayo. "G-good day, Mrs. Gastrell. What can I do for you, ma'am?" Lumigid ito sa mesa at aabutin sana ang dala kong mga paper bags nang pigilan ko siya. "Oh no, no. No need to do that. I can handle this perfectly. Go back to your work and just don't mind my presence. Remember, we don't have a dark past together." Kinindatan ko siya saka tinumbok ang pinto. "M-ma'am," pigil nito sa tangkang pagtulak ko sa pinto. Nilingon ko ang babae na namumutla pa rin ang mukha. "What?" "Ms. Elizabeth Asturia is inside po." Tumaas