CHAPTER FOURTEEN

1340 Words
"SINO ba ang matutuwa sa ganitong sitwasyon ng pamilya? Sige nga magsalita kayong lahat!" sigaw ng padre de-pamilya ng mga Valderama o si Don Fausto. "Calm down, Daddy. Alalahanin mong masama sa iyong kalusugan ang pagtaas ng iyong dugo. Makapag-isap naman po tayong lahat na hindi nagsisigawan." Maagap na pagitna ni Mayla. Maaring adopted child siya ng mga Valderama. Ngunit legally adopted. Kaya't may lakas ang loob niyang pumagitna sa ama. At isa pa ay siya ang nag-iisang prinsesa ng pamilya simula noong pinalayas ang tunay na bunso. "I know it's inappropriate to say these words now, Daddy. Ngunit tama si bunso. Health is wealth. Kung ano man po ang nawala sa mga assets natin ay mapapalitan po. Iyan ay kung mapanatili mo ang iyong kalusugan." Pagsegunda rin ni Daniel. "Daddy, stable pa ang lahat ng kumpanya at assets natin. Kaya't maari po bang makinig ka sa amin? Mas natatakot ki sa iyong kalusugan kaysa ang kasalukuyan nating kinakaharap. Please, Daddy," saad pa ni Lucas. Sa pahayag ng mga anak ay pansamantalang natigilan si Don Fausto. Tama naman silang lahat tungkol sa stability ng pinaghirapan nilang mag-asawa na kumpanya. Subalit ang ikinakagalit niya ay ang taong hindi naman kakilala sa business world na kumakalaban sa kanilang pamilya. 'D@rn! Sa dinami-dami ng kumpanyang nagsipana rito sa Denmark ay bakit ang sa amin pa ang napili? I will never allow that to happen again in the future!' aniya sa sarili. Ngunit ang inakala niyang sa sarili lang nasabi ay naisatinig pala. Kaya't napaangat siya ng pagtingin mg muling nagwika ang isa sa mga anak. "Daddy? Are you insinuating that the one who is stealing some of our investors was instigated by someone to target us?" tanong nito. "Pero walang ebidensiya sa basehan na iyan nga ang dahilan, Lucas. Ngunit kahit ano man ang gawin kong pag-aanalisa sa lahat ay iyan talaga ang pumapasok sa aking isipan. Still, huwag n'yong pabayaan ang mga sarili ninyo. Dahil wala namang iba," tugon niya. "Kung iyan po ang ibinubulong ng damdamin mo ay huwag mong baliwalain, Daddy. Huwag ka pong mag-alala dahil kikilos po tayong lahat upang malaman kung sino man ang pangahas na iyan." Muli namang pagsang-ayon ni Mayla. 'F*ck! Imposible namang ang babaeng iyon ang may kagagawan sa kaganapan ngayon sa kumpanya? She vanished in a thin air just like that almost seven years ago. Wala ring nakakaalam kung buhay pa o matagal ng patay! No, those are just wild thoughts about that stup!d!' Ngitngit niya. Hindi siya papayag na makabalik itong muli sa pamilya Valderama. Napaikot-ikot na niya sila ng ilang taon. Naagaw ang lahat ng bagay na maaring para sana sa bunsong anak ng mga ito. At higit sa lahat ay naidespatsa niya ang ilaw ng tahanan o ang tunay na nagmamay-ari sa lahat mayroon ang mga Valderama o si Ginang Sandra Fuentebella Valderama. 'Pasensiya na kayong lahat. Dahil nalaman ko ang tungkol sa bagay na iyon. Kaya't huwag na tayong magsisihan sa bandang huli,' lihim niyang saad. SAMANTALA sa kinaroroonan nina Samantha at Alex. "So, ano ngayon ang plano mo, Mrs Cohen in the future? Annulled na ang kasal ninyo ni Edward. Stable na rin ang lahat ng negosyong itinatag mo. At sa oras na ito ay siguradong nakarating na sa pamilya lo ang tungkol sa pagsulot mo kuno sa nga investors nila at ang pagpapaimbestiga mo sa kanila," taas-kilay na tanong ng huli. Tuloy, imbes na sagutin niya ito ay napahalakhak siya. "Don't get me wrong, my friend. Masaya lang ako dahil sabi mo nga ay malaya na ako mula sa pamilya Carlsen. I just felt pity to my second born child. However, if he does not change his attitude, there's nothing that we can do anymore," pahayag niya. "Tama ka, my friend. Sabi nga natin ay tayo rin ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. By the way, kailan kayo magkikitang muli ng fafables mo? Heh! Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Kitang-kita naman ng lahat kung gaano ka kaimportante kay Sir Brigadier General. Mayroong sabi-sabi na wala raw pakialam iyon sa mga babaeng nagpapakita ng motibo. Kaya't nagulat ang lahat nang ipakilala ang tagapagmana," taas-kilay nitong sambit sa kabila ng kaseryusuhan. "Actually, nag-usap na kami kaninang umaga. For formalities daw ay mamanhikan sila sa bahay. Ngunit kako mas mabuting huwag na dahil baka ipahiya lang sila ng sarili kong pamilya. Kako ang magkaroon kami ng tahimik na pagsasama ay sapat na. At sa tanong mo kung kailan kami magkikita ay ikaw ang una kong pagsasabihan kapag magkita na kami," aniyang muli. Akala nga niya kung saan ito pupunta dahil para itong sinundot sa puwet at basta na lamang tumayo. Kaso tumayo ito ay mayroong dinampot na folder sa lamesa. "Ano iyan?" kaagad niyang tanong. Dahil pagkadampot nito ay iniabot naman sa kaniya. "Well, ako nga sana ang magtatanong kung ano iyan, my friend. May nag-deliver kanina habang wala ka pa. Alam mo namang hindi natin ugali ang basta buksan at pakialaman ang kahit anong parcel na dumarating dito. Buksan mo upang malaman natin," kibit-balikat nitong sagot. Kaya naman ay hindi na siya sumagot bagkus ay sinunod niya ang payo nito. May pagmamadali niyang binuklat ang folder. Pero natutop naman niya ang bibig dahil sa nilalaman. "Pero bakit ganoon? Pitong taon man siguro akong nawala sa bahay ay hindi ko sila ginawan ng masama. Ngunit ganoon silang lahat? Inilihim pa nila sa publiko ang pagkamatay ni Mommy! D@mn them all!" Kuyom ang kamao niyang ngitngit. "Friend, authenticated ba iyan? Baka naman trap iyan upang palabasin ka? I mean bait ng pamilya ninyo," dinig niyang wika ng binabaeng kaibigan. Subalit umiling-iling siya. May seal ang bawat nilalaman ng folder. Kaya't sigurado siyang hindi iyon kalokohan. "Sigurado akong hindi ito kalokohan at mas hindi gawain ng mga Valderama. Take and look at it," sabi kasabay ng paglahad sa folder. Kaso! "Mukhang natakpan na ang maganda mong mata kaya't hindi mo na binasa ang sender ah. Susme, Miss Valderama. Gawain ito ng future husband mo. Maaring gusto niyang makagawa ng tama para sa iyo kaya't inalam ang tungkol dito. Tama ka, my friend. Authenticated ito by the seal of Denmark Monarchy. Ibig sabihin ay --- Oh, my God! Untouchable ka, lukreng! Office of the Royal Crown Prince!" Mula sa seryoso nitong pananalita ay bigla na lamang napatili! Kaya naman ay tinakpan niya ang kaniyang taenga dahil talaga namang nakakabingi ang boses nito! Ngunit ang higit na nakapukaw sa kaniyang damdamin ay ang seal umano nito na hindi niya pinagkakaabalahang tingnan. "Kung office of the Royal Crown Prince ang nakalagay ay sigurado akong pinaimbestigahan nila ang background ko. Kung bakit nasa labas ako ng mansion naming mga Valderama. Kagaya mo rin, my friend. Kamo anak ako ng prestigious family ngunit naghirap kasama ang ina sa loob mg mahabang panahon," aniya makalipas ng ilang sandaling pagninilay. "Ay kung ganoon ay mas nararapat na mag-usap kayo ng fafables mo, my friend. Dahil sa katunayan ay sila rin ang makatulong sa iyo sa bagay na iyan. At sa legal pa na paraan," wika nito. Tama naman ang kaibigan niya. Kaya't hindi na siya sumagot pa bagkus ay kinuha niya ang cellphone upang tawagan ang kasintahan. SOUTH BORDER o sa Military Barracks na kinaroroonan ni Brigadier General Sam Colt Cohen. "Sir, ano'ng plano mo ngayon? Ang sabi Lando ay ipinadala na raw nila sa fiancee mo ang mga dokumento sa utos ng ating mahal na Crown Prince." Tinig ng tauhan ang nagpaangat sa kaniya mula sa seryosong paglilinis sa sarili niyang baril. "Sigurado akong masasaktan si Samantha ngunit tama lang din naman ang lahat na nararapat lamang na malaman nito ang tungkol sa ina," sabi niya saka bahagyang itinigil ang ginagawa. "Sa ilang buwan kong pagsama-sama sa iyo sa inyo ay ganoon ko rin nakita ang fiancee mo, Sir. Kaya't kako ano ngayon ang iyong plano---" Kaso ang seryosong usapan ng mag-amo sa silid ng opisyal sa barracks nila ay naudlot. Dahil sa nakakabinging pagsabog. Kaya naman ay may pagmamadali silang lumabas upang alamin kung ano ang dahilan. Subalit ganoon na lamang ang kanilang pagkagulat dahil sa nasaksihan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD