"EDWARD, ano'ng nangyayari? Paano naging back up ng mag-ina ang taong iyon?" bakas ang pagtatakang tanong ni Annie sa kababatang si Edward o mas tamang sabihing kabit.
Tama!
Mayroon silang bawal na relasyon. Ngunit upang pagtakpan ito ay binaliktad nila ang sitwasyon. Kaya nga laging nag-aaway ang tunay na mag-asawa. Subalit unexpected naman ang kaganapan sa harapan mismo ng paaralan.
"Hindi ko alam, Annie. Ngunit sa naulinigan ko sa kanilang usapan ay hindi ang gag*ng iyon ang ama ni Peter Henrik. Malinaw din ang pagkasabi ng lalaking basta sumulpot na Mrs Cohen. Ibig sabihin ay kilala nila si Samantha," tugon nito habang panay ang pagbuga ng malalalim na hininga.
"Hmmm... May paraan pa para magantihan natin ang mag-ina, Edward. Kailangan natin silang maibalik dito sa bahay ninyo. Kumbaga reverse psychology. Kapag mangyari iyon ay makuha natin ang kuwentas--- Pero, saglit lang, love. Paano mo nalamang pag-aari ng mga Cohen ang necklace na iyon?"
Nagmistula tuloy na jeep na nawalan ng preno si Annie!
Dahil basta na lamang huminto sa pananalita at wari'y nauntog!
Samantalang sa pahayag ni Annie ay umayos sa pag-upo si Edward. Sa katunayan ay hinila niya ito at nilalaro ang kaselan nito habang nag-uusap silang dalawa. Kaya nga panay ang liyad nito.
"Love, huwag mong kalimutang CEO ako ng Carlsen Company. Marami akong kakilala at nalaman kong ilang taon ng nawawala ang family heirloom--- Love, can you drive me--- F*ck! Bakit mo nilalaro---"
"My love, nais ko lang namang ibalik ang pangroromansa mo sa akin. Aaaaahhhhh! Kanina mo pa nga ako pinapaliyad. Ibig sabihin ay nilalabasan ako habang nag-uusap tayo. Hmmmm... My love, maari bang huwag muna nating pag-usapan ang b*tch na iyon? I want you to eat my p₩s¥."
Dulot na rin nag-aalab nilang damdamin habang nilalaro ang kani-kanilang ari ay hindi na sila nagsayang ng oras. Sa isang iglap ay binuhat ni Edward ang kinakapatid na kabit at nagtungo sa silid nilang mag-asawa este ng dating asawa. Doon ay nagpakalunod silang dalawa ng paulit-ulit sa init ng apoy o tawag ng makamundong ligaya.
"HINDI mo ba talaga mahintay ang bayaw mo, anak? Ilang taon na naman bago kayo muling magkita?" malungkot na tanong ni Mrs Cohen sa panganay na anak.
Abala ito sa paghahanda sa bag na dadalhin pabalik sa trabaho. Walang maliwanag na report ang tauhan nitong dumating mula sa South Border. Subalit sigurado siyang importante iyon. Kaya lang ay hindi niya maiwasang salakayin ng kaba dahil sa hindi matukoy na dahilan.
"Mom, parang hindi ka nasanay sa akin ah. Ako tuloy ang kinililabutan dahil diyan. Dati-rati namang umaalis ako na hindi hinihintay kahit sino. Wala ng ibang nakakaunawa sa akin kundi ikaw, Mommy. Kaso mukhang baliktad na ang earth ah," tugon ng binata.
"Alam ko, anak. Pero umaasa akong mapagtuunan mo na rin ng pansin ang mag-ina mo. Kung hindi ako nagkamali---"
Kailangang makaalis sila ng mga tauhan sa araw na iyon. Dahil na rin sa tawag ng tungkulin. Subalit sa tinuran ng ina ay hindi niya ito pinatapos bagkus ay nagmistula siyang may kalaban. Bigla siyang huminto sa ginagawa at hinarap ang ina.
"Really? Kasama nila ang mag-ina, Mommy? Hah! Ang taong iyon ay kumilos na namang hindi nagsasalita. Are they coming home now? Answer me, Mommy. I will ask Sir General to pardon me for a while. Dahil nais ko ring makita ng malapitan. Ano ba, Mommy. Maari bang magsalita ka naman?!"
Ayon!
Ang BG ay nakalimutan na yatang ina ang kaharap!
Tuloy!
"Tsk! Tsk! NONE OF THE ABOVE, Sir Brigadier General Cohen! Sarado sng bibig ko kaya't wala kang maririnig na salita mula sa akin. Naka-ZIPPER ito!" singhal nito sa kaniya!
Kaya naman!
Ang tuluyan ng napahalakhak ang mga kasama nila sa kabahayan na maaring nakarinig sa pag-uusap nilang mag-ina.
"Hanep si Mommy oh. Tinalo pa ang mga apong bagets. Maano ba kasing ipaliwanag mo kay Big brother ang tinatanong niya," nakatawang pahayag ni Jenna.
"Ikaw naman, Jenna. Paano ba makasagot ang naka-zipper sng bibig? Kaya nga mag-ina sila dahil matched made in heaven." Hagikhik pa ni Margarette.
Kaso sila naman ang pinagbalingan ng kanilang ina. Kaya naman ay para silang mga nasukol na criminal. Nagtago nga si Jenna sa likuran ng asawang namamatay-matay sa pagtawa. Pero bago pa may makapagsalita sa kanila ay naunahan na sila ni Prince Samuel.
"Bayaw, alam kong nais mong gampanan ang tungkulin mo sa bayan. Maaring nasa kulungan na ang nauna mong pag-ibig kuno. Nasa women's department na rin ang bata. Ngunit hindi lang sila ang kailangan mong harapin. Ayon kay Brother Erick, may anak ka na raw at hawak-hawak nito ang iyong kuwentas o ang necklace na ipinapasa sa inyong pamilya generation by generation. Kaya ko ito sinasabi dahil nais ko ring harapin mo na sila. Iyan din ang siguradong rason kung bakit naka-ZIPPER ang bibig ni Mommy. Dahil gusto niyang ikaw mismo ang makatuklas," mahaba-haba nitong paliwanag.
SAMANTALANG sa paliwanag ng isa pang bayaw o ang bunsong apo ng naunang hari sa kanilang bansa ay bahagyang natigilan si Sam. Ngunit makalipas ng ilang sandali ay nagwika siyang muli.
"Tama nga naman kayong lahat. Maaring nangyari ang bagay na iyon sa panahong hindi namin inaasahan ngunit panahon na rin upang harapin ko silang mag-ina bagay na noon ko pa ginawa."
"Lando! Nasaan ka ba, Orlando?"
Mula sa mahinahong paliwanag sa mga kaharap ay para siyang sinaniban ng bad spirit. Dahil basta na lamang siyang kumulog este sumigaw. Kaya naman ay muli siyang nakatanggap ng sapak mula sa inang nakataas ang kilay.
"Nakakabingi ka na, Sam Colt Cohen! Kung gusto mo kaming makausap ng maayos ay huwag kang sigaw nang sigaw. Dahil hindi pa naman sira ang aming taenga at mas lalong hindi bingi!" ganti nitong sigaw.
Kaya naman ay muling napahalakhak ang magkapatid na nakapag-asawa ng Denmark Monarchy. Kahit nga ang napasugod na si Lando dahil na rin sa lakas ng boses ng Ginang ay napahawak na sa tiyan. Maaring sumakit na ito sa pagtawa. Subalit kaagad ding umayos nang sinamaan ng tingin ng Brigadier General.
SA KABILANG banda o daan kung saan naroon ang grupo ng Crown Prince.
"Kumusta ka na, Samantha? Maaring huli na pero nais ko pa ring humingi ng paumanhin sa iyo. Nang dahil sa kalokohan namin noon ay nagawa naming palapitin sa babae si Sam. Dahil sa katunayan ay ikaw pa lamang ang babaeng naugnay sa kaniya. And at the same time, thank you for surviving," sensero nitong saad.
Hindi naman kaagad sumagot si Samantha. Simigurado niyang tulog nga ang anak na nakasandal sa kaniya.
"Aminado akong nagalit ako noon, Your Highness. Ngunit kung tutuusin ay walang may kasalanan o maiturong tunay na nagkasala kundi kaming dalawa. Nagmakaawa siyang tulungan ko dahil nga sa gamot na nainom. Subalit nangakong pananagutan ang nangyari. Pero kako sa aking isipan ay parehas lang kaming nakainom ng gamot. Kaya't bakit ko ihahabol ang aking sarili? About my child? Unexpected man ang pagkabuo pero kailanman ay hindi sumagi sa aking isipan na ilaglag noon. Sa tanong mo kung kumusta na ako ay still surviving kahit papaano. At kung itatanong mo kung sino ang lalaking iyon kanina ay ang lalaking inakala kong magtatayo sa aming mag-ina."
Hindi na niya binanggit na under process ang divorce papers nilang dalawa. Dahil wala naman sa isipan niyang gamitin ang paghihiwalay nilang mag-asawa upang makalapit sa ama ng panganay na anak.
"Wala tuloy akong masabi, Samantha. Ngunit kung gusto mong hiwalayan ang taong iyon ay matutulungan kita. Ako mismo ang mag-request ng divorce ninyong dalawa sa aking amang hari," anito.
Maaring sa iba ay maglulundag na siya sa tuwa dahil may handang tumulong sa kaniya upang mapawalang-bisa ang kasal nila. Subalit hindi siya ang uri ng tao na mapagsamantala. At isa pa ay under process na rin naman.
"Thank you, Your Highness. Pero kaya ko itong e-handle. Ilang taon na rin simula isinilang ko si Peter Henrik at ganoon na rin katagal na hindi ako umapak sa kanilang tahanan. Mabuti pa nga---"
Kaso!
Hindi pa natapos ang sinasabi ay biglang nag-preno ang driver.
Tuloy!
Nagkauntog-untog silang lahat na nasa loob ng sasakyan!
Hindi lang iyon!
Hinarang pa sila ng mga naka-buneteng kalalakihan!