"WHAT HAPPENED, Miss? Buntis ka ngunit bakit mukhang may tinatakbuhan ka. May problema ba?" maagap na tanong ni Sam sa babaeng basta na lamang tumawid sa daan. Mabuti na nga lang at nakapag-preno kaagad ang bodyguard/driver niya.
Kaso bago pa ito makasagot ay dumating ang halatang lango sa dr*ga. Mabuti sana kung nag-iisa ito ngunit may ilang kasama. Kaya naman ay muli niyang kinausap ang babaeng buntis.
"Kung gusto mong tulungan ka namin ay magtapat ka. Ano ba ang koneksyon mo sa kanila? Bakit ka nila hinahabol? Sagutin mo ako ng maayos kung gusto mong makalayo sa kanila. Iyan ay kung hindi ka tumatakas."
Hindi naman sa wala siyang tiwala sa kapwa niya. Ngunit sa uri ng kaniyang trabaho ay palaging advance mag-isip. Who knows! Maybe it's just a ploy to trap him.
"Bata, kung mahal mo ang iyong sarili ay umalis na kayo ng kasama mo rito. Dahil talagang tumatakas ang babaeng iyan sa akin. Hah! May asawang tao ngunit nagagawa pa ang makipagkita sa iba!"
"Aiza, kung ako sa iyo ay bumalik ka rito. Huwag kang mandamay ng kapwa mo. At isa pa, sa pag-aakala mo ba ay may magkakagusto pa sa taong tulad mo? Tsk! Tsk! Mag-isip ka, Aiza!"
Malakas nitong sabi kasabay nang paglipat-lipat ng paningin mula sa kaniya at ang babaeng buntis na tinawag sa pangalang Aiza.
"Hinding-hindi ako babalik sa iyo, Orlando! Kaya't hayaan mo na akong makaalis!" ganting-sigaw ng babae.
Ngunit sa tinuran nito ay mas naging wild ang lalaki. Kaya naman ay muling pumagitna si Sam Colt.
"Kung mayroon kayong problemang mag-asawa ay aysuin ninyong dalawa. Huwag iyong naghahabulan pa sa daan. Hindi ba kayo nahihiya sa maaring sasabihin ng mga tao?"
"Ikaw, lalaki ka, kahit ano man nag kasalanan ng asawa mo sa iyo ay huwag mong suklianng pagkabayolente. Tandaan mong babae pa rin siya."
"At ikaw naman, Misis, alalahanin mong hindi mo pag-aari ang iyong buhay. May baby sa loob ng tiyan mo. At kung ako sa iyo ay umuwi ka na lamg or dumiretso ka na sa pagamutan."
Inis na inis man ang binata dahil sa kamalasang nangyari sa lakad niya.
"H-help me, please. Ayaw ko ng bumalik sa kaniya. He is a beast, not a human," wika ng babae ng sa wakas ay nagsalita na.
"Huwag mong pakinggan ang babaeng iyan, bata. Dahil isa siyang sinungaling! Kung ako sa iyo ay iwanan mo na siya!" sigaw naman ng kapwa lalaking halatang nasa ilalim ng ipinagbabawal na gamot.
Kaya naman ay pasimple siyang tumingin sa bodyguard.
"Mister, wala kaming balak makialam sa problema ninyong mag-asawa. Subalit sa nakikita ko ay nakaranas ng maltreatment ang iyong asawa. Ngayon ay ibalik ko ang salita mo sa boss ko. Huwag mo siyang habulin at sumama kayong dalawa sa presinto ng maayos. Iyan ay kung gusto ninyong mapag-usapan ang problema ninyo," pahayag nito.
Subalit nabuwesit lang sila dahil sa isinagot ng lalaki.
"At sino kayo upang manduhan kami sa nararapat na mangyari? Hah! Problema para sa mag-asawa ito mga bata. Kaya't huwag kayong makialam. Sa hitsura n'yo pa naman ay mga edukado kayo. Layas! Umalis kayo rito ngayon din! Ah, iyan ay kung gusto ninyong makaalis dito na buhay in onr piece!" anito saka sinabayan ng pagtawa na nagmistulang isang demonyo.
Tuloy!
Hindi na nagdalawang-isip ang bodyguard ni BG Sam Colt. He pulled out his gun and pointed to them as he walked forward. Hindi lang iyon, pumito pa ito. At hindi nga naglipat segundo ay nagsilabasan ang ilang shadows.
"Fellows, seize them all! Let's hand them to the police headquarters nearby. Those men need to pay for their crimes. Move, fellows!" Mando nito na wari'y nasa actual na drill.
Kaya naman!
Ang mga bangang ay hindi na nakawala.
"MISS, saan ka namin ihahatid? Kung totoo man ang sinabi ng lalaking iyon na mag-asawa kayo ay mas wala kaming maitutulong kundi ang makuha mo ang hustisiya. Pero hindi na safety kung babalik ka sa tahanan ninyo." Baling at paliwanag ni Sam Colt makalipas ng ilang sandali.
"H-hindi ko alam, Sir. Dahil sa katunayan ay ilang beses na rin akong tumakas sa piling ng ng taong iyon. Ngunit dahil marami namang alipores ay nahuhuli rin nila ako. Kung hindi ko nga siguro kayo nakabanggaan ay naibalik na man ako sa bahay," pahayag nito.
"Kung ganoon ay halika muna rito sa sasakyan. Bukas ka na namin ipapahatid kung saan mo gustong magtungo," sabi niya.
'Kung nagbunga ang gabing iyon sa amin ng babaeng iyon ay siguradong malaki na rin ang tiyan o pagbubuntis. It's been a while since then. Hindi na talaga siya nawala sa aking isipan,' lihim niyang sambit saka nauna ng pumasok sa sasakyan.
Sa kaniyang isipan ay kailangan muna niyang tapusin ang aksidenteng iyon. Kaya naman imbes na umuwi ay sa presinto nagtungo.
SAMANTALA dahil hindi naman siya sanay sa gawaing bahay ay aminadong nahihirapan si Samantha sa bago niyang buhay. Ilang buwan na simula umalis siya sa kanilang mansion. Ngunit kailanman ay hindi niya binalak bumalik sa kanila kahit anong hirap ang dumating sa kaniya.
"Hija, bakit nandito ka pa? Diba't due date mo na ngayon? Dapat ay nagtungong hospital kaysa ang magtrabaho." Tinig ng isang butihing Ginang ang bumulabog sq kaniyang isipan.
"Good morning, Madam. Mamaya po pagkagaling ko rito. Dumaan po ako upang kunin ang naiwan kong gamit. Dahil matagal din po ang dalawang buwan bago ako makabalik sa trabaho," magalang niyang wika kasabay nang pagharap dito.
"Kahit matagal ang mahalaga ay makabalik ka. Kagaya nang sinabi ko sa iyo dati ay maari mong dalhin dito ang isisilang mong sanggol kaysa ipagkatiwala mo sa ibang tao. At least dito ay kahit na maari mong tanaw-tanawin. Ilagay mo lang sa stroller," muli ay wika ng Ginang.
Dahil dito ay napangiti siya. Masasabi niyang mabait pa rin ang langit sa kaniya. Pinalayas siya sa mansion ngunit sarili niyang bangko o ATM lamang ang kinuha. Kailanman ay hindi niya ginalaw. Ang dahilan niya ay magagamit niya kapag manganak na siya. Nabuhay siya ng payak at malayong-malayo sa kinalakhan ngunit wala siyang pagsisihan.
"Maraming salamat po, Madam. Sige po at baka ma-late pa ako sa admission ko roon. Mauna na po ako," aniya saka bahagyang yumuko bilang pamamaalam.
"Would you mind staying for a while, Samantha? My son is coming home--- Ah, nandiyan na yata siya. Halika, Hija, salubong---"
Kaso tuluyan na nitong hindi natapos ang sinasabi dahil lumapit ang guwardiya.
"Madam Cohen, Brigadier Cohen, and his bodyguard have arrived. According to him, prepare the guestroom for his friend," anito.
Kaya naman ay sinamantala niya ang tuluyang nagpaalam.
"Sayang, gusto pa naman sana kitang ipakilala sa anak ko. No girlfriend since birth ang taong iyon. Hala, kung hindi na kita mapigilan ay humayo ka na, Samantha. Heto, kunin mo ang halagang ito para sa iyong panganganak. Tulong namin sa iyo ng Sir mo iyan. Huwag mong isiping utang dahil bilang pasasalamat namin sa iyo."
"Guard, help her to have a cab or talk to the driver to take her in the hospital. She will be in labour any moment from now."
Pinaglipat-lipat nito ang paningin sa knailang dalawa ng guwardiya.
"Again and again, thank you very much, Madam Cohen. God will surely bless you and your family," magalang niyang tugon saka tuluyang hinila ang bag.
Then...
"WHO'S that woman, Mommy? Aba'y kanina pa ako daldal nang daldal sa tabi mo ngunit mukhang wala ka sa hulog." Pukaw ni Sam Colt sa inang kulang na lamang ay mabali ang leeg sa pagtanaw sa kanilang tarangkahan.
"Tsk! Tsk! A pitiful lady who was cast out from their home for having a child out of wedlock. Kung hindi ka lang dumating ay baka naihatid ko pa sa hospital kung saan manganganak," taas-kilay nitong sagot sa kaniya.
Kaya naman ay mas napantiskuhan siya sa inasta nito. Kaso bago pa man siya makapagsalitang muli ay lumapit ang kasambahay kasama ang babaeng tinulungan.
"M-magandang araw po, Mrs Cohen. Ako pala si Aiza Garcia." Nautal na pagbati nito sa ina.
"Oh, umalis ang babaeng buntis na nagkasambahay dito ng ilang halos limang buwan ngunit may pumalit kaagad. Is she your future wife, son?" Maagap na binalingan ng Ginang ang panganay na anak.
"Dito muna siya, Mommy. Ihahatid ko siya sa kanila later today after ng meeting ko sa Camp Borderland. No, she's not my future wife, Mommy. Nagkataon lamang na ako ang tumulong sa kaniya mula sa mapang-abusong asawa."
"Miss Aiza, sumama kang muli kay Millet. Ihahatid ka niya sa guestroom. Feel at home. At pasensiyahan mo na ang pananalita ni Mommy. She is pushing me to get married again."
Maagap niyang pagitna dahil hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang pagtaas ng kilay ng ina. Well, hindi naman niya ito masisisi. Dahil siya ang panganay sa kanilang magkakapatid ngunit siya rin ang nag-iisang lalaki at nahumaling sa military. Kung hindi siya mag-aasawa ay end of their bloodline na raw.
"Okay, Hija. Go and have a rest. Ipatawag kita kay Millet kapag oras na ng kainan." Pagtataboy pa nito sa kaawa-awang babae.
Hinintay lamang din nilang nawala ang mga ito sa kanilang imahe.
"Don't say any word to me right now, Sam. Kung si Samantha pa siguro ay ako mismo ang gagawa ng paraan upang maging asawa mo siya. Mothers know the best for their children. Kaya't dumiretso ka na rin sa iyong silid at maghanda sa lakad ninyo." Baling ni Mrs Cohen sa anak.
"Well, mag-uusap pa rin po tayo mamayang pagdating ko, Mommy. Aba'y hindi ka---"
"Heh! Kako asawa ang idulog mo sa akin hindi ang buntis na may asawa! Hala, lumayas na sa aking harapan!" Pinandidilatan na nga niya ito ay talaga namang ipinagtabuyan pa.
Tuloy!
Napailing na lamang din ang bagong dating na si Brigadier Sam Colt Cohen.
What a fate!