Chapter 3- The Owner

1888 Words
Janelle POV* Napamulat ako at agad akong napayakap sa sarili ko. Agad akong luminga linga sa paligid at nasa kwarto ako ngayon. Don't tell me panaginip ang nangyari kagabi? Napatingin ako sa damit ko at nanlaki ang mga mata ko dahil yun pa din ang sout ko nung lumabas ako. Kinakabahan ako dahil kahapon ko pa nalaman na nakapasok pala ako sa unibersidad ng mga di ordinaryong tao. Lumabas ako at nakauniform na ako. Pumunta ako sa elevator at pinindot agad ang ground floor nang biglang may pumasok na lalaki at mukhang hinahabol niya ang elevator. "Phew! Mabuti naabutan ko." Hinihingal na sabi nung lalaki napatingin ako sa kanya. "Pasensya na di kita nakita." Paumanhin ko napatingin naman siya saakin at bigla siyang ngumiti. Yung ngiti na walang halong kakaiba. Pure smile ang ginawa niya. "Wala yun. Bago ka dito?" Tumango ako at napayuko ulit ako. "So, ikaw yung isa sa mga newbees dito na galing sa ibat ibang eskwelahan?" Tumango ulit ako. Napatango na lang siya. Bored akong kausap kaya please wag mo kong kausapin. "So... alam mo din ba kung ano ang pinasukan niyo ngayon." Natigilan ako at dahan dahan na tumango. "Kahapon ko pa nalaman. Siguro isa ka din sa kanila noh?" "Yeah, I'm a Mafia Heir. By the way I'm Philip De Guzman." "Janella Fernandez." Nakangiting sabi ko. Gumanti din siya ng ngiti mukhang mabait naman siya. Pero sa totoo lang di talaga ako makapaniwala na makakita ako sa totoong buhay ng mga kagaya nila. Sa mga novels, movies at comics ko lang kasi sila nakikilala at ngayon nakakasalamuha ko na sila ngayon. "Janella, ano bang background ng family niyo, isa ka bang Mafia, Assassin, Ninja..." "Isa lamang akong normal na estudyante." Nakita ko naman na nagulat naman siya sa sinabi ko. At napabuntong hininga na lang siya. "Mukhang magiging guardian angel mo ko ngayon ha," napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo ko. "What do you mean?" "Sabihan mo ko kung may gagalaw sayo na mga g*gong mga estudyante dito. Okey, bubugbugin ko sila." Napangiti na lang ako at tumango. "So saan ang room mo?" "Sa Room 334." Sabi ko. "Mukhang magkaklase tayo. Sabay na tayong pumasok." Tumango na lang ako at ngumiti. Thank God may kakilala na ako ngayon at isa pang Mafia Heir. **** Nakahawak lang ako sa laylayan ng damit ni Philip eh sa natatakot ako sa mga estudyante dito baka atakehin ako ng wala sa oras. "Don't worry, walang aatake sayo nasa rules na once oras ng klase walang sakitan ang magaganap." Paliwanag ni Philip sa akin pero kahit ganun natatakot pa din ako. "Basta, wag kang umalis." Parang bata kong sabi at mahina naman siyang natawa at tumango. Lumakad ulit kami at umupo sa upuan at agad naman akong umupo sa gilid niya. "Philip!!" Napatingin kami sa babaeng tumawag kay Philip at niyakap siya nito at si Philip naman mukhang nasira atah ang mood nung nakita ang babae. "Ano ba Patrisha, wag mo nga akong yakapin." Napapout naman si Patrisha at napatingin naman siya saakin. At nakita ko na nanlalaki ang mga mata niya. "Oh my God!" Nagulat ako sa sigaw niya. Anyare sa kanya? Natakot naman ako sa sigaw niya na kinalapit ko kay Philip. "Ah eh bakit?" "You're an Angel." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko na kina atras ko at sabay panlalaki ng mga mata. "...no a Goddess!" Di makapaniwalang sabi niya. Nailang naman ako sa sinabi niya. Hindi ako ganun... "Don't touch her." Napatingin naman siya kay Philip. "And why? Is she yours?" Nakapamewang na sabi ni Patrisha. Di naman nakasagot si Philip kaya napatingin ulit si Patrisha saakin. "By the way, Beauty. I'm Patrisha Wilson, nice meeting you." Ang hyper naman niya. Parang nahiya ang energy ko sa kanya. "Nice meeting you too, I'm Janelle Fernandez." Nahihiyang sabi niya. "Waaa! Cute!" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. "So ngayon, we're bestfriends now. Okey!" At agad siyang umupo sa tabi ko at ngumiti dumating na kasi ang teacher namin eh. "Class, sina Ken, Lay at Benare ay na kick out na dito sa CU." Gulat silang lahat ng marinig yun. Eh? Sino ang mga iyon? "Anong kasalanan nila, Maam?" "Muntik na silang nakagahasa ng babae kagabi at narinig ko pa na nasa hospital sila ngayon, malubha ang tatlo. At ang nagpakick out mismo sa kanila ay ang may ari ng CU. So sana wag niyong gawin ang bagay na yun ha. Understand?" "Yes, Maam." Mabuti naman at di ko na sila makikita pa. I feel safe now... salamat kay Mr. Stranger. Lunch Time... "Ah.. ganun pala ang story ng beshy ko. So I'm also helping you to survive here," sabi ni Patrisha at napangiti na lang ako. "Salamat sa inyo." "You're always welcome, My Dear." Sabi ni Patrisha at napatingin siya kay Philip. "Right, Babe Philip." Napakunot naman ang noo ni Philip. "Tsk." Hala may something sa dalawa. "Alam niyo bagay kayo." Napatingin silang dalawa sa akin. "Really!" "What! No way!" "Totoo, kasi naniniwala ako na once ang ugali mo ay cold o masayahin ang mapapares mo ay ang kabaligtaran sa ugali mo." "Waaa! Really! We're destined, Babe Philip. Don't ignore it. Goddess na ang nagsabi oh. Blessing na niya tayo," sabi ni Patrisha napa tsk ulit si Philip. "I don't care." Napangiti kaming dalawa ni Patrisha. Bigla na lang tumahimik ang paligid napatingin ako sa tinitingnan nila sa entrance ng canteen. "Oh, they coming." Napatingin ako kay Patrisha. "Who?" "The Legendary Royals." Napatingin ako kay Philip. Legendary Royals... nice name... "Okey ipapakilala ko sila okey. Ang Legendary Royals ay may anim na grupo the King, Queen, Ace, Heart, Clover, Joker." May ganun pala dito. "Una si Joker. Siya si Dexter Davies, parate yan nagbibiro halata naman sa code name niya diba?" "Next is Clover, Dylan Wrights. Chick boy yan." "So mahilig siya sa sisiw..." natigilan sila sa sinabi ko. "Ah eh... hindi ang mean ko ay cassanova siya." Napatango nalang ako. Akala ko mahilig siya sa sisiw. Ang cute kaya ng sisiw. "Next is Ace, Ethan Roberts. Matalino yan kahit anong tanong masasagot niyan." Kahit tanungin ko kung sino ang mga parents ko masasagot niya? "Next is Heart, Melisa Bautista. May pagkamaldita yan parehas kay Queen." "Next is Queen, Scarlet Lewis. Kasasabi ko lang maldita yan." Napatango nalang ako. "And lastly the King, Simon Axel Claymore. The owner of this university. Malamig yan at malakas. Siya nga ang Rank one sa boung University and also in the Mafia World," kwento pa ni Patrisha. Napanganga ako ang galing! Tiningnan ko siya at seryoso nga siya... pamilyar ang mga mata niya... yung almond na kulay niyang mga mata. Napahawak ako sa puso ko bakit bumilis ang tibok nito? Napatingin ako sa kanya at nagulat ako nang nakatingin siya sa dereksyon ko. Napatingin naman ako sa likuran ko wala namang tao dahil dingding lang. Sa akin ba talaga siya nakatingin? Napayuko ako gusto ko pa sanang tingnan ang mga mata niya pero nahihiya ako. "He's looking at you, Beshy," sabi ni Patrisha. Bigla nalang pumagitna si Philip sa paningin ko para di makita yung gwapo. "He's dangerous. Kaya wag mo siyang tingnan." Babala ni Philip. Tumango nalang ako at bumalik sa kinain. Pero mukhang hindi naman... siya nga ang nagpakick out ng mga rapist eh. **** Hinatid nila ako sa dorm ko at nang nasa tapat na kami ng pinto ko. "Dito ang dorm ko. Pasok kayo." Sabi ko sa kanila. "Okey!" Binuksan ko naman at pumasok pagtingin ko sa kanila tulala silang nakatingin sa akin. "Is this your dorm?" Gulat na sabi ni Patrisha. Tumango naman ako. "So you're strong." Napailing ako sa sinabi ni Philip. Kinuwento ko sa kanila ang lahat at napuntahan ko na din ang dean at ang sabi ay ito talaga ang dorm ko walang nagkamali. Di ko alam kung bakit ganito ang nangyayari. Di ko alam parang may something eh. "Grabe ang gara nasa Rank B lang ang dorm ko at sayo Rank A. Di natin alam baka magaling ka talaga lumaban. Di talaga nagkakamali si Dean," sabi pa ni Patrisha. "Di ko alam, hindi ko nga kilala kung sino ako, si dean pa kaya?" malungkot na sabi ko nagulat naman sila sa sinabi ko. "Biktima ka rin ng amnesia? My God rami niyo ha. Sa mga stories ko lang yan nababasa, try mong bumasa baka may clue ka baka sa huli isa ka palang vampire or lobo o isang princess..." "Don't listen to her. Wag mong alalahanin ang nakaraan mo sasakit lang ang ulo mo. Hintayin mo lang unti unti itong lalabas nang hindi mo nalalaman." Tumango nalang ako at ngumiti. "Susundin ko ang sinabi mo." **** Nakatingin ako dito sa balcony ko nakikita ko pa din ang mga estudyante walang nakakaalam sa nangyari sa akin. Di ko nalang inisip yun baka balikan ako ng mga galamay ng tatlong yun. Mawawala ang magaganda sa lupa. Joke... Naalala ko yung lalaking nakahood kahapon, gusto ko siyang makita. Di ko alam kung saan ko siya makikita. Ang alam ko lang ay ang mabangong amoy nito nung yakap yakap ko siya. Sana bigyan niyo ko ng sign kung nasaan siya. Naghintay ako pero wala eh... bumaba na lang ako para bumili sa canteen ng makakain may canteen kasi ang dorm namin. Di talaga ako lumabas ng building baka magahasa na naman ako doon. Wala nang masyadong tao dahil nandun sa mga nag lalaban. Umorder ako ng pagkain di pa kasi ako nakakain ng hapunan eh. At nang makuha ko na bumalik na ako sa upuan ko at mabuti ang tahimik mae enjoy ko ang pag kain-- Nagulat ako nang may umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Inilapag niya ang pagkain niya at nagsimulang kumain. Nganga ako dahil alam niyo ba kung sino ang nandito? Si Simon lang naman. Bakit siya nandito?! Ayoko pang mamatay. Tatayo sana ako dala ang tray ko nang nagsalita siya. "Where are you going?" napatingin ako sa kanya. "H-ha? Hahanap ng ibang mesa?" patanong na sabi ko. "Balik sa upuan mo. Don't mind me.... just eat." Para akong tuta na sumunod at umupo balik sa inuupuan ko kanina. "How are you now, My Princess?" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Teka My Princess? Si Hood Guy lang ang tumatawag sa akin niyan. "Hood Guy?" Nagtataka kong sabi. Natawa na lang siya sa sinabi ko. What the... tumawa siya! Cold siya kanina pero ngayon... Ang gwapo niya talaga! "Yan pala tawag mo sa akin. Pasensya na dahil di ko nasabi sayo pangalan ko. I'm Simon Axel Claymore, Simon for short and it's nice to see you again, my Princess." Nailang naman ako sa sinabi niya. "Uhmm.. nice to see you too. Janelle Fernandez pala name ko... bakit my Princess tawag mo sa akin? Di naman ako princess sa katunayan nga maid lang ako sa bahay namin," nakayukong sabi ko. "Now you are in my property and my world, you're no longer a maid... you're now my only Princess." Napatingin ako sa kanya kasi bumilis ang tibok ng puso ko. Di ko pa nasubukan mag mahal... siguro para kasing first time ganito ang puso ko. Di ko alam kung bakit ganito ang tama ko sa kanya. Natatakot ako baka may mangyaring masama if ipagpapatuloy ko ang crush na feeling ko sa kanya. Pero ang lakas niyang bumanat! Nadadala ako! My Gosh! ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD