IYA "Diskumpiyado ako sa 'yo." "Kumpara naman sa kuwento mo kung paano tayo nagkakilala, mas convincing naman ang naiisip kong kuwento tungkol sa atin." Tumaas ang isang kilay ko. "Chef ka, hindi writer kaya anong kuwento ang isasalaysay mo sa mga magulang ko tungkol sa atin?" "Basta," sagot pa niya. "Hinayaan kita noong ikaw ang magkuwento sa ama ko tungkol sa ating dalawa. Now, ako na ang bahala kapag ang parents mo naman ang magtanong sa akin about us." Ngayong araw ang uwi ko sa amin sa Cavite. Bukas pa ang birthday ng tatay ko, pero nakagawian ko nang umuwi the day before his birthday. At siyempre, kasama ko ang guwapong kapitbahay ko sa pag-uwi ko. May dala rin naman siyang damit pang-overnight stay niya dahil sinabi kong kukuha na lang kami ng inn para sa tutuluyan niya roon.

