PUMAGTING ANG TAINGA ni Ginger sa pang-iinsulto sa kaniya. Nakatitig ito kay Ginger kaya naman nagkatinginan ang lahat ng empleyado na nakapalibot sa kanila. Hindi sana papatulan ni Ginger si Georgina Balunbalunan subalit kailangan niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili. “Kapit ba kamo, Georgina?” “Oo, kapit. Malakas ka lang sa may ari kaya ka promoted na naman,” sagot nito. “Kung ginagamit ko ang kapit ko eh ‘di sana ako na ang boss ng buong kumpanya ngayon. ‘Wag kang basta magsasalita ng hindi mo naman alam ang pinagdaanan ko at saan ako nagsimula sa kumpanyang ito. You don’t know me kaya ‘wag kang maghushusga ng kapwa mo na tila ba alam na alam mo kung sino ako! I bet you don’t even know my first name. Do you?” “Nagmamalinis ka pa,” panunuya nito. “Nagmamalinis? Ilapag mo ang ebide