AKALA NI GINGER ay simpleng katulong lamang sa bahay ang magiging trabaho niya. Sa sahod na dalawampung libo sa isang buwan ay hindi na siya lugi sa offer ng matanda. Hindi niya naman inasahan na sobrang laki pala ng bahay nito.
‘Matapos ko kayang linisan ang buong bahay sa isang araw?’
“May bakanteng kuwarto sa taas, ’yong nasa kaliwa ng hagdan. ’Yon ang magiging kuwarto mo.”
‘Sigurado ba siyang katulong ang pinasukan kong trabaho? Eh, bakit sa ikalawang palapag ng bahay ang kuwartong binigay niya?’ Inaasahan ni Ginger na sa likod ng bahay, maid quarters, or sa basement ang kaniyang magiging kuwarto. ’Yon naman kasi ang napapanood niya sa television sa probinsiya.
“Marunong ka bang magluto?” tanong ni Almira. Nakatingin ito sa kaniya na tila ba wala siyang alam sa gawaing bahay. Alam niya lahat ng gawaing bahay dahil hindi naman siya laki sa yaman. Mahirap silang maglola kaya’t master na ni Ginger ang mga ito.
“Maglaba? Maglinis, at mag-alaga ng mga halaman? Marunong ka ba niyon?”
“Opo, marunong po,” sagot ni Ginger habang nag-iisip.
‘Mag-alaga ng halaman?’ Ipagawa na sa kaniya ang lahat pati ang pagkumpuni ng sirang bombilya, pero ’wag lang ang maghalaman. Paano niya ba sasabihin sa matanda na allergic siya sa mga halaman? Hindi literal na allergic. Ayaw niya lang talaga iyon.
“Oh, siya, pakipasok na ang mga ’yan sa kuwarto ko.”
“Saan po ang kuwarto nila?”
“Hindi pa pala kita nalilibot sa bahay. Ilapag mo muna ang mga ’yan diyan sa sofa.”
Nilapag naman ni Ginger ang mga dala. Nakahinga siya nang maluwag. Nangawit agad ang kaniyang mga braso sa sukbit na mga paper bag kanina. Sumunod siya sa matanda habang isa-isa nitong pinakita sa kaniya ang bawat sulok ng mansyon. Oo, mansyon, dahil mas malaki pa ang bathroom ng bahay ni Almira kaysa sa barong-barong na bahay nila ng Lola Ipang niya.
“Ito ang magiging kuwarto mo.”
Hindi makapaniwala si Ginger sa kuwarto na pinatuluyan sa kaniya ni Almira. Para siyang nanalo sa lotto at nakabili agad ng condominium. Ganoon ang itsura ng silid. “K-kuwarto. . . k-ko po ba talaga ito?”
“Ayaw mo ba? Puwede ka naman sa maid quarters. Kung ’yon ang gusto mo.”
“Ah, okay na po ako rito. Okay na okay po.”
‘Ginger, loka-loka ka talaga! Ba’t ka pa nag-iinarte. Ang ganda ng kuwarto mo. Feeling prinsesa ka pa! Tiyak makalalasap na nang malambot na kama ang iyong katawan at hindi na matigas na papag.’ Iginala ni Ginger ang mga mata sa kuwarto at manghang-mangha siya sa modern-classic na mga kagamitan sa kuwartong iyon.
“Feel at home, hija. Kuwarto ito ng pamangkin ko noong wala pa silang sariling bahay. Wala nang gumagamit kaya simula ngayon, iyo na ang kuwartong ito. I expect you to be awake by 4AM daily. Saktong alas-sais ang nag-aagahan si Iggy. ’Wag kaliligtaan, istrikto ang asawa ko sa oras kaya bawat segundo ay mahalaga sa kaniya.”
“Opo. Tatandaan ko po.”
“Oh, siya, maiwan na kita. Magpahinga ka na.”
Hindi man lang ba siya nito pakakainin? Kanina pa kumakalam ang sikmura niya. Nahiya si Ginger nang biglang malakas na nag-alburuto ang kaniyang tiyan.
“Tiyan ko ba ‘yon o tiyan mo?”
Nahihiyang napangiti Ginger.
“Hindi ka pa ba kumakain?”
Tanging iling lang naisagot niya dahil sa hiya.
“Madali ka. Kumain ka muna sa kusina. Initin mo na lamang ang kung anumang magugustuhan mong pagkain sa refrigerator. Alam mo na naman ang daan, hindi ba? Siya nga pala, ’wag ka mag-alala, may makakatuwang ka naman sa trabaho rito. Pinagbakasyon ko lang si Mila at nangungulila na siya sa kaniyang pamilya.”
Nakahinga nang maluwang si Ginger nang malamang mayroon siyang katuwang sa gawaing bahay. Akala niya ay mag-isa lamang siya sa lahat ng mga dapat gawin. Malamang ay tumanda siya nang wala sa oras kung sakali.
“Salamat po. Ipapanik ko ho muna ang mga pinamili ninyo bago ako kumain. Maraming salamat po ulit sa pagbigay ng trabaho sa akin.”
“Be good to us, Ginger, and we will repay you with kindness.”
’Yon lang ang sinabi nito at tinalikuran na siya.
TATLONG TAON NA ANG NAKALILIPAS mula nang magtrabaho siya sa mga delos Santos. Mapalad siya at hindi matatawaran ang kabaitan ng mag-asawa sa kaniya. Bagama't katulong siya ay hindi iyon ang pakilala ng mga ito sa mga kumadre at kumpadre ng mga ito. Anak ang turing sa kaniya ng dalawa. Hindi man siya nabiyayaan ng mga magulang ay binigyan naman siya ng Maykapal ng mga among itinuturing siyang kapamilya.
“I will be in the shoe section. Sumunod ka na lang,” ani Almira.
Nagmadali si Ginger na pumunta sa may swim garments. Nakakita siya ng isang white and red two-piece bikini. Plain iyon ngunit elegante. Babagay sa balingkinitan niyang pangangatawan. Nahagip din ng mga mata niya ang isang denim shorts. Dinampot niya iyon at binayaran. Nahihiya siyang ipalagay sa paper bag ang mga pinamili kaya tinupi na lang niya ang mga iyon at nilagay sa loob ng kaniyang sling bag.
Hindi nakatakas sa mga mata ni Almira na walang bitbit na kahit isang paper bag si Ginger. Tumawag ito ng sales lady at pinasukatan si Ginger ng isang pares ng damit. Matapos malaman ang size ni Ginger ay kung ano-anong uri ng modernong istilo ng mga damit ang pinagdadampot nito at binayaran. Ilang pares iyon ng mga sexy clothes sa paningin ni Ginger.
‘Ano’ng balak ni Almira at ibinili ako ng damit ngayon?’ Napakunot-noo siya. Madalas kasi na kapag pasukan lamang sila gumagawi sa mall para bumili ng mga gamit sa eskuwela at damit.
Makalipas ang dalawang oras ay nagyaya na si Almirang umuwi. Katulad ng nakasanayan ni Ginger, marami na naman itong pinamiling mga damit, sapatos, bag, at kung ano-ano pa. Dinamay pa nga siya nito sa pamimili. Nagpapasalamat si Ginger na sobrang bait ng kaniyang naging amo.
Maalinsangan ang gabi kaya naisipan ni Ginger na mag-swimming sa pool. Sakto, masusubukan niya ang bagong bili niyang two-piece bikini. Maliwanag sa labas kahit walang ilaw dahil bilog na bilog ang buwan. Kahit na nga madilim ay makikita pa rin ang silhouette ng tao kung may magagawi sa may pool area.
Nahihiya pa rin siya magsuot ng ganoon ka-daring na damit ngunit wala naman sigurong masama kung susubukan niya kahit isang beses man lang, ‘di ba?
SA KABILANG BAHAY, hindi naman matigil sa kasesermon si Alice sa anak na si William dahil pa rin sa inuwing babae nito.
“Go to your aunt’s house. You’ve been here for days at inuna mo pa talaga ang mambabae kaysa bisitahin ang Tiyo at Tiya mo!” singhal nito.
“I like Dad better because he doesn’t nag at me as much as you do.”
“Don’t give me that tone, Will,” matigas na sabi ni Alice. “Anak lang kita!”
“I should have stayed in Massachusetts if you will be nagging at me all day, Mom.”
“Puntahan mo na ang Tiya Almira mo. Kahapon ka pa niya hinihintay.”
“Fine! As well, sleep there. I’ll be at peace. Tiya Almira loves me more than you do, anyway,” sagot ni William sa ina.
Walang anak si Almira at Ignacio kaya naman spoiled si William sa mag-asawa. Malamang siya rin ang magmamana ng lahat ng mga ari-arian ng mga ito. They don’t have other relatives than him. Impossible naman na mayroong ibang pamanahan ang mga ito.
Naglakad na si William papunta sa bahay ng Tiya Almira niya. Sa main entrance door sana siya papasok ngunit naisipang niyang dumaan sa likod ng bahay.
Napako ang mga paa ni William nang makita si Ginger na naka-two-piece bikini habang naglalakad papunta sa pool. She was walking gracefully. Ang sarap pagmasdan nang indayog ng katawan nito habang naglalakad. Kasabay noon ang pagsayaw sa hangin ng abot-balakang nitong kulot na buhok.
“She’s freakin’ hot!”
William was imagining touching Ginger. Heat ran through his nerves, and lust clouded him. Para bang tumigil ang kaniyang mundo sa pagkakita sa dalaga. Perhaps, Ginger could be another woman he could play around with and take to bed.
“Hindi ka lang pala mukhang kabayo. Mukhang tikbalang ka rin! Anong ginagawa mo riyan? Mamboboso!”
Umawang ang mga labi ni William sa gulat. Ni hindi niya napansin na lumapit na pala ang dalaga sa kaniya. He wasn’t even aware that he was walking towards her too.
“I-I’m not a—”
“Save your excuses later, Mister.”
Bigla na lamang hinubad ni Ginger sa harap niya ang maiksing denim shorts nito. Perpekto ang hugis ng katawan ng dilag. He couldn’t help, but be mesmerized by her beauty. Sakto ang natural na laki ng dibdib nito. Kaakit-akit din ang bilugan at matambok na puwetan. Her sexy stomach was flat and toned. She’s an Aphrodite na nagtatago sa isang bestida. How he wishes he could touch her now.
Nasa gitna si William nang paghanga kay Ginger nang bigla na lamang siyang itulak ng dalaga so pool.
“Enjoy the cold water. Bagay pala sa kabayo ang maligo sa gabi. Have fun, Will!”