RAINE CONNECTED HIS phone to the television to cast the YT video entitled ‘Katulong Ka Lang.’ Wala pa sa kalahati ang napapanood ay nagalit na agad si William sa mga kaibigan na pinagtatawanan si Ginger. “Take that video down! Now! You’re an asshole, Raine. Why would you make fun of Ginger?” “Eh, malay ko bang totoo ’yang video. Asawa mo nga ba?” “No, wala akong asawa. Ngunit mahalaga sa mga magulang ko ang babaeng pinagtatatawanan ninyo!” “Relax, Dude! We weren’t laughing about your girl . . . Ginger. Si Elaine . . . Elaine Toscano. Look how desperate she is to have you? She knows how filthy rich you are. Alam mo bang sinubukan niya ring gapangin si Liam? But you know naman, wala ni isang babae ang nakakalampa