Chapter Seventy-three Suot-suot ko lang ang jacket ni angkol. Nandito pa rin kami sa rest house. Hindi ko na isinuot pa iyong mga saplot ko kanina. Bukod sa kasi sa mabuhangin na ay basa na rin iyon. Iyon kasi ang sinapin ng lalaki sa buhanginan kanina. Oo, may nangyari na naman sa amin. Ang rupok ko masyado sa lalaking ito. Nagkakape na kami nito. Pero ilang ulit kong nahuling tulala ang lalaki at hindi nakikinig sa akin. Pakiramdam ko'y may bumabagab dito at kung ano man iyong ay pakiramdam ko'y malabo nitong malaman. "May problema ka ba?" what if kinausap na ito ng family n'ya at sinabi nilang ayaw nila sa akin? What if? Ay, naku! Mukha namang nagustuhan ako ng family nito. Baka naman may iba pa itong problema. "Vee, I have a question." Inilapag ko ang tasa ng kape at tinignan ko it

